Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,154 total reads

Ang Mabuting Balita, 9 Nobyembre 2023 – Juan 2: 13-22
DAKILANG PAGKAKATAON
Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, kaya’t pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng mga baka, mga tupa, at mga kalapati, at ang namamalit ng salapi. Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mga mangangalakal, pati mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag. Sinabi niya sa mga nagbibili ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalaala ng kanyang mga alagad na sinasabi sa Kasulatan, “Ang aking malasakit sa iyong bahay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko.”
Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, “Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Tumugon si Jesus, “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw.” Sinabi ng mga Judio, “Apatnapu’t anim na taon na ginawa ang templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?”
Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya’t nang siya’y muling mabuhay, naalaala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito; at naniwala sila sa Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus.
————
Ang templo, tulad ng ating mga simbahan, ay isang sagradong lugar kung saan ang tao at ang Diyos ay nagtatagpo sa isang higit na natatanging paraan. Samakatuwid, isang sagradong kapaligiran ay kailangan upang mapabuti ang pagtatagpong ito bilang paggalang sa Diyos at ang mga taong nagsisimba o sumasamba. Hindi kataka-taka kung si Jesus ay nagalit. Ito ay hindi lamang sapagkat ang templo ay nagmistulang palengke, kundi dahil ang pagsamba ay nawawalan ng halaga at nagiging pabigat lamang sa mga sumasamba. Kailangan nilang bumili ng mga hayop para sa pag-aalay, at kailangan nilang magpapalit ng pera sapagkat isang uri ng pera lamang ang tinatanggap sa pagbabayad ng buwis ng templo. Ang lahat ng ito ay higit na nakapagbawas ng pagiging sagrado ng lugar at ng nagaganap sa loob nito.
Alalahanin natin itong pagbasa na ito kapag tayo ay nagpupunta sa simbahan o sa misa. Magpakita tayo ng paggalang sa pamamagitan ng pag-uugali at pananamit na angkop sa pagsamba. Kung nais nating makipagtagpo sa Pangulo ng Pilipinas, tiyak na hindi tayo maaaring magsuot ng t-shirt, shorts or tsinelas. Ni hindi tayo pinapayagang pumasok sa opisina ng ganito. Sa simbahan o kapag dumadalo sa misa, hindi kung kanino lang tayo nakikipagtagpo. Siya ay ang DIYOS, hari ng buong sanlibutan, ating tagapaglikha, ang pinagmumulan ng lahat ng ating kailangan! Alalahanin din natin na hindi gawing palengke ang simbahan sa ating pagtsitsismis, paninira, atbp.. Alalahanin natin ang DAKILANG PAGKAKATAON na makipagtagpo sa Diyos sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya.
Panginoong Jesus, tulungan mo kaming linisin ang aming puso ng mga basura ng kapootan at hindi pagpapatawad, ng ito ay maging tahanan ng iyong Espiritu!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 3,903 total reads

 3,903 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 54,421 total reads

 54,421 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 76,511 total reads

 76,511 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 176,330 total reads

 176,330 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 209,450 total reads

 209,450 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

EXTENT OF OUR LOVE

 264 total reads

 264 total reads Gospel Reading for September 28, 2026 – John 15: 18-21 EXTENT OF OUR LOVE “If the world hates you, keep in mind that

Read More »

“HOLIER THAN THOU”

 4,311 total reads

 4,311 total reads Gospel Reading for September 27, 2026 – Matthew 21: 28-32 “HOLIER THAN THOU” Jesus said to the chief priests and elders of the

Read More »

ULTIMATE SIGN

 2,146 total reads

 2,146 total reads Gospel Reading for September 26, 2026 – Luke 9: 43b-45 ULTIMATE SIGN While they were all amazed at his every deed, Jesus said

Read More »

PARADOX

 2,817 total reads

 2,817 total reads Gospel Reading for September 25, 2026 – Luke 9: 18-22 PARADOX Once when Jesus was praying in solitude, and the disciples were with

Read More »
Scroll to Top