Pagsasabatas sa Climate Accountability bill, panawagan ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,052 total views

Nananawagan ang Aksyon Klima Pilipinas sa mga mambabatas na isulong ang panukalang batas na magbibigay ng mga panuntunan kaugnay sa nagbabagong klima ng bansa.

Ito ang Climate Accountability (KLIMA) Bill na magtatatag ng mas mahigpit na mga hakbang para sa pagpapanagot sa mga korporasyon sa mga pagkilos na naaayon sa karapatang pantao, lalo na ang karapatan sa isang malinis, malusog, at napapanatiling kapaligiran.

Ang panawagan ng grupo ay kaugnay sa ika-10 taong paggunita sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda, na may international name na Haiyan sa gitnang bahagi ng bansa lalo na sa Eastern Visayas.

“It would also establish a national fund to address the needs of victims of climate-related disasters, which is aligned with the government’s position of changing the Philippines’s narrative into more of a country of initiators of action,” pahayag ng grupo.

Bukod sa panukalang batas, hinihikayat din ng Aksyon Klima ang mga kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit sa Dubai, United Arab Emirates, na patuloy na paalalahanan ang mga bansang kabilang sa Global North hinggil sa kasalukuyang kahinaan at naranasang loss and damage (L&D) ng bansa mula sa mga nagdaang sakuna.

Nakatakdang isagawa ang COP28 Summit ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 12, 2023.

Ibinahagi ng grupo na magpahanggang ngayon, ilan sa mga lugar na lubos na napinsala ng Bagyong Yolanda ang nahihirapan pa ring makabangon at magpatuloy mula sa nagdaang sakuna.

Dagdag pa ng Aksyon Klima na ang idinulot na kawalan at pinsala ng Super Typhoon ay malaki ang naging epekto sa buong mundo kaya’t ito ang naging pangunahing paksa sa mga talakayan hinggil sa epekto ng climate crisis.

“This is not to perpetuate the image of a nation of victims and reactors; this is to show its true commitment to uphold climate justice for current and future generations by holding developed nations and big corporations accountable for their pollution and other actions that dealt us immense L&D,” giit ng Aksyon Klima.

Nobyembre 8, 2013 nang manalasa sa bansa ang Bagyong Yolanda kung saan higit anim na libong katao ang nasawi habang nasa halos 100-milyong piso naman ang halaga ng pinsala sa mga apektadong lugar.

Sa Laudate Deum ng Kanyang Kabanalan Francisco, inihayag nito ang higit pang pagpapaigting ng magkatuwang na pagkilos at pagtugon ng mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan mula sa epekto ng krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 32,253 total views

 32,253 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 74,145 total views

 74,145 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 128,188 total views

 128,188 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 155,293 total views

 155,293 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 170,996 total views

 170,996 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top