Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,434 total views

Ang Mabuting Balita, 1 Disyembre 2023 – Lucas 21: 29-33

NAPAKAPALAD

Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila:Narito, ang puno ng igos at lahat ng mga punong-kahoy. Kapag sumibol na sila, makikita ninyo at malalaman na ang tag-init ay malapit na. Gayundin kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito na nangyari na, alam ninyong ang paghahari ng Diyos ay malapit na.
Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat. Ang langit at lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita kailanman ay hindi lilipas.

————

Ayon sa mga pag-aaral kamakailan, bagamat mayroong mas mababang bilang ng nagpapatiwakal sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa, tumataas ang bilang, at ang nakakatakot ay karamihan sa kanila ay mga “young adults.” Karamihan ng mga dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga pagtangkang magpatiwakal ay ang pagiging babae, pagdanas ng pisikal na dahas, inaapi, pagdama ng kalungkutan sa pag-iisa, kulang sa tulog, kakaunting malapit na kaibigan, paninigarilyo, pag-iinom ng alak, kaunting gawaing pisikal, paggamit ng amphetamine/methamphetamine at kakaunting pamamatnubay ng magulang. Ang paggamit ng amphetamine/methamphetamine ang isang pinakamataas na dahilan ng pagtangkang magpakamatay lalo na sa mga kabataan. Karamihan ng pag-iisip na magpatiwakal ay nagmumula sa pagdanas ng katamtaman hanggang matinding “depression,” at kung hindi matulungan, ito ay mauuwi sa pagpapatiwakal.

Bakit nangyayari ang mga ito? Marahil, ang Salita ng Diyos ay hindi na, o nabawasan na maging, sandata laban sa kasamaan, tagapagpagaan sa panahon ng kagipitan o hapis, o katiyakan ng Pagmamahal ng Diyos. Noong lumang panahon, sa oras ng kagipitan, binubuksan ng mga tao ang kanilang Bibliya, sa pag-asa na ang Diyos ay magsasalita sa kanila sa pamamagitan ng pagbasa na nasa bukas na pahina. Sa panahon ngayon, mayroon ba tayong Bibliya sa ating mga tahanan, o kung meron man, binubuksan ba natin at binabasa ito? Tulad ng sabi ni Jesus, “Ang langit at lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita kailanman ay hindi lilipas.” NALALAMPASAN ng Salita ng Diyos ang lahat ng mga lahi at kultura. Nariyan na ito sa simula pa lamang at mananatili magpakailanman. NAPAKAPALAD natin na ito ay maaari nating abutin!

Magsalita ka Panginoon, ang iyong lingkod ay nakikinig!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 62,027 total views

 62,027 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 84,093 total views

 84,093 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 99,789 total views

 99,789 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 106,662 total views

 106,662 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 166,293 total views

 166,293 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OBSTACLES

 5,220 total views

 5,220 total views Gospel Reading for July 01, 2026 – Matthew 8: 28-34 OBSTACLES When Jesus came to the territory of the Gadarenes, two demoniacs who

Read More »

POWERFUL MANIFESTATION

 5,871 total views

 5,871 total views Gospel Reading for June 30, 2026 – Matthew 8: 23-27 POWERFUL MANIFESTATION As Jesus got into a boat, his disciples followed him. Suddenly

Read More »

FIRST CATECHISTS

 6,120 total views

 6,120 total views Gospel Reading for June 29, 2026 – Matthew 16: 13-19 FIRST CATECHISTS Solemnity of Saints Peter and Paul, Apostles When Jesus went into

Read More »

AUTHOR OF LIFE

 5,128 total views

 5,128 total views Gospel Reading for June 28, 2026 – Matthew 10: 37-42 AUTHOR OF LIFE Jesus said to his apostles: “Whoever loves father or mother

Read More »
Scroll to Top