VeritasPH

The Word, The Truth

 16,167 total views

Feast of St Andrew, Nov 30 2023, Mt 4:18-22

“Protokletos” ang tawag kay San Andres ng mga Eastern Catholics at Orthodox Christians—ibig sabihin ang “Kauna-unahang Alagad” na tinawag at sumunod kay Hesus. Isa sa pinakaimportanteng karakter si San Andres para sa kanila. Kung Rome ang naging sentro ng western Catholicism, Constantinople naman ang sa East. Kung si St Peter ang kinikilalang nagtatag ng western or Latin Church sa Rome, si St Andrew naman ang kinikilalang nagtatag sa Easter Christians na ang senteo ay Byzantium o Constantinople. Nov 30 din ang pyesta niya doon.
Sayang at kapag pyestang Saint Andrew, ang laging ginagamit na Gospel reading ay ang “call of the first disciples” sa Matthew 4,18-22. Doon kasi parang extra ang dating niya. Kung ako ang masusunod, ang ipapabasa kong gospel ay John 1:35-42. Doon malalaman na hindi sumunod si Andrew kay Jesus dahil tinawag siya. Sumunod siya dahil inindorso ni Juan Bautista si Jesus sa kanya at sa isa pang kasama niya—na sa kanya daw sila sumunod.

Sa Gospel of John, ito ang papel ni John the Baptist—tagapagpakilala sa Mesiyas. Naglalakad daw noon si Juan Bautista, kasama ang dalawa sa kanyang mga alagad. Nagkataon napadaan si Jesus at binulungan ni Juan ang dalawang kasama niya. Itinuro si Jesus at sinabi sa dalawang alagad—“Iyan ang Kordero ng Diyos.”
Si Propeta Isaias ang unang gumamit sa paglalarawan sa hinirang ng Diyos bilang isang tagapaglingkod na magiging pantubos para sa paglaya ng Israel. Sabi niya sa Isaias 53:7 “…para siyang korderong dinala sa katayan, tahimik lang siya; hindi siya tumutol…”.

Malay natin kung naintindihan ba ni Andrew ang ibig sabihin ni John. Pero sumunod siya. At tinanong pa nga daw siya at ang kasama niya—ba’t nyo ako sinusundan? Sagot daw nila, “Saan ho kayo nakatira?” Art noon sinabi ni Jesus, “Halikayo para makita ninyo.” Hindi lang nila nakita, pinamalita pa nila.

Akmang-akma ang first reading natin: Romans 10. Sa vv.14-15, sabi niya, “…paano sila tatawag sa ngalan niya kung hindi muna sila naniwala sa kanya? At paano daw sila maniniwala kung wala pa silang naririnig tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang namalita sa kanila? At paano sila mamamalita kung walang nagsugo sa kanika?“

Ang nagsugo sa kanila ay si Juan. Naniwala sila sa sinabi ni Juan sa kanila tungkol kay Hesus. Kaya sumunod sila kay Hesus dahil naniwala sila kay Juan. Ayon daw sa Kasulatan, “Napakagandang pagmasdan ang mga paa ng tagapagdala ng magandang balita.”

Siguro kaya hinugasan ni Hesus ang mga paa nila sa huling hapunan, dahil isusugo din sila. May parang domino effect Ipinakilala muna ni Juan si Hesus kay Andres, at pagkatapos pinakilala ni Andres ang kapatid niyang si Simon kay Hesus.

Ang ginagawang pamamalita ay personal at pabulong. Hindi pasigaw o madramang pahayag. Ito ang gusto kong matutunan natin kay San Andres: ang pabulong na po pagbabahagi ng mabuting balita. Sumikat ang expression na ito sa FABC. Pinasikat ng retiradong arsobispong taga-India na si Abp. Thomas Menamparampil, at dinevelop pa ni Cardinal Giorgio Marengo ng Mongolia sa libro niyang “Whispering the Gospel to the heart of Asia.” Ang Pagbulong ng ebanghelyo sa puso ng mga taga-Asya.

Minsan, ang mas epektibong paraan ng ebanghelisasyon ay bulong lang—personal na patotoo tulad ng ginawa ni Juan kay Andres, at ni Andres kay Simon. Di ba’t kahit si Propeta Elias, narinig niya ang tinig ng Diyos hindi sa apoy, o sa lindol o malakas na bagyo kundi sa isang marahang simoy na bumubulong?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,956 total views

 12,956 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 21,001 total views

 21,001 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 26,081 total views

 26,081 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,787 total views

 31,787 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,575 total views

 40,575 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,538 total views

 2,538 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 6,954 total views

 6,954 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,280 total views

 2,280 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,803 total views

 2,803 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,302 total views

 4,302 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,146 total views

 5,146 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,401 total views

 3,401 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,614 total views

 7,614 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,847 total views

 6,847 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,059 total views

 11,059 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,507 total views

 4,507 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,511 total views

 4,511 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,511 total views

 4,511 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,503 total views

 4,503 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,503 total views

 4,503 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top