Lending companies, binalaan sa “usury lust”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 388 total reads

Pinaboran ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong programa ng pamahalaan na “P3 Program” o Pondo sa Pagbabago at Pag–asenso na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapalitan ang mga “5-6” money lending system.

Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, maganda ang programang ito ng pamahalaan ngunit hinamon nito ang gobyerno na maging ‘transparent’ at maging masikap na maabot ang mga mahihirap na micro – entrepreneur, market vendors at magsasaka sa naturang programa.

Bagamat hindi sang – ayon ang nakararaming Pilipino sa naturang programa, ipinaliwanag ni Archbishop Cruz na mas makabubuti ang P3 dahil sa mas mababang interes 10 percent per annum lamang ang ipapatong ng gobyerno sa mangungutang, mas mababa sa 20 percent na ipinapatong ng mga “5-6” lending company.

“Ang pagpapautang ay okay basta ang interes lamang ay hindi naman ‘usurious interest.’ Ibig sabihin talagang hindi makatwiran yung magpapautang ka, pagkatapos yung nangutang sa iyo hirap na hirap magbayad at hindi lang ganun kundi ang ipinangbabayad ay yung kanilang kinikita,”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Binalaan naman ni Archbishop Cruz ang ilang nagpapautang na nagpapatong ng napakalaking tubo na humahantong sa “usury lust” o bisyo ng mas mataas na interes at hindi na iniisip ang kanilang pinautang na halos nagdurusa.

“Usury’ ang tawag dun o ‘usury lust,’ masyadong napakalaki ang interes. Samakatuwid, ang nangungutang ay hindi nakikinabang kundi sila pa ang nagdurusa. ‘Usury’ is very unwelcome and it is a definitely a vice, bisyo iyan,” paglilinaw pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.

Nabatid na ngayong buwan target ng Department of Trade and Industry ang Mindoro, Saranggani at Leyte na kabilang sa 30 mahihirap na probinsiya sa buong bansa na makikinabang sa P3.

Samantala, nauna na ring sinabi ni Apostol San Pablo sa kanayang unang sulat kay Timoteo na ang pagmamahal ng salapi ay siyang pinag – uugatan ng lahat ng kasakiman at kasamaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,095 total reads

 20,095 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,407 total reads

 54,407 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,889 total reads

 90,889 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,101 total reads

 109,101 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,364 total reads

 192,364 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,646 total reads

 216,646 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,853 total reads

 355,853 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top