Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 147,192 total reads

Kapanalig, ang pasko niyo ba ay naging kalbaryo na dahil sa trapiko?

Halos araw araw ngayon ay naiipit na tayo sa napakasikip na traffic. Sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, isang pangmatagalang tradisyon ang masusumpungan sa kalsada ng Pilipinas — ang Paskong Pilipino. Dati rati, may saya pa tayong mapipiga sa lansangan. Pero ngayon, tila sumosobra na. Kailangan bang maging kasingkahulugan na ng traffic ang Paskong Pilipino?

Ang pagtambad sa matinding traffic jam tuwing Pasko ay isang malamig na realidad na nararanasan ng mga mamamayan. Mula sa pagpunta sa simbahan para sa Simbang Gabi hanggang sa pagbisita sa mga kamag-anak at kaibigan, lahat tayo ay nagiging biktima ng pang-aabala na dulot ng trapiko.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng traffic congestion tuwing Pasko ay ang dami ng sasakyan sa kalsada. Ayon nga sa MMDA, nadagdagan ng mga 15,000 na sasakyan ang ating mga lansangan ngayon pasko. Marahil ang mga tao ay nagsusumikap at nagsusumiksik na maglaan ng oras para makasama ang mahal sa buhay, makabili ng regalo, at makapasyal tuwing Pasko. Magandang tradisyon ito, kaya lamang, ito’y nagreresulta sa pagdami ng mga sasakyan sa kalsada, na siyang nagdudulot ng matinding trapiko.

Dahil sa trapikong ito, sa halip na mas mahaba ang oras natin upang magsama-sama, mas nababawasan pa ito. Sa halip din na maging masaya ang Pasko, nagiging stressful na ito. Ang oras na dapat ay iniuukol natin sa mas makabuluhang bagay, tulad ng pagbibigayan at pagninilay-nilay sa tunay na diwa ng Pasko, ay nauubos na lamang sa paghihintay at pag-aaksaya ng oras sa kalsada.

Kapanalig, kailangan iwaksi na natin ang ganitong sitwasyon kada pasko. This robs us of the joy and meaning of Christmas. Ang traffic ay sagabal na hindi lamang sa pag-unlad ng ekonomiya, kundi pati sa pag-unlad ng ating espirituwalidad. Ang traffic ay trigger ng init ng ulo para sa marami, na nagdudulot ng road rage, ng galit na nauuwi pa natin sa ating pamilya, pati na rin ng aksidente.

May mga alternatibo na maaari nating subukan upang masolusyunan ang problema sa trapiko. Maaaring pagtuunan ng pansin ang paggamit ng mas maraming pampasaherong sasakyan, pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, at ang pag-encourage sa carpooling bilang paraan ng pagbabawas sa bilang ng mga sasakyan sa kalsada.

Ang maayos at mabilis na daloy ng traffic ay isang common good. Ayon sa Justicia El Mundo, All of us have the right and duty to promote the common good. Sabi rin sa Octogesima Adveniens, political power, which is the natural and necessary link for ensuring the cohesion of the social body, must have as its aim the achievement of the common good. Kaya’t kung nais natin na mabawasan ang traffic sa ating mga lansangan ngayong pasko, kailangan nating magtulong-tulong, hindi lamang sa pagsunod sa mga regulasyon sa trapiko, kundi para rin sa pagbabawas ng dami ng sasakyan. May mga alternatibo naman tayo, gaya ng bike, o di kaya, paglalakad. Maari rin ng bawasan nating ang paglabas, at sa halip ay magdasal tayo at magpasalamat.

Sumainyo ang Katotohanan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 6,721 total reads

 6,721 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 17,832 total reads

 17,832 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 47,348 total reads

 47,348 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 95,614 total reads

 95,614 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 117,703 total reads

 117,703 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 216,537 total reads

 216,537 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nalulugi ang transportasyon

 17,834 total reads

 17,834 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 47,350 total reads

 47,350 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 117,705 total reads

 117,705 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »
Scroll to Top