22,212 total views

Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 23 ng Disyembre 2023, Lk 1:57-66

Isa sa pinakamahalagang silbi ng linggwahe para sa tao ay ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Kaya karamihan sa mga linggwahe ay mayroong diksyunaryo. Importante ang diksyunaryo lalo na kung dayuhan ka sa isang bansa at di mo pa gaanong alam ang salita nila.

May isang pamangkin ako na nagbiyahe sa Spain. Dahil marami tayong mga salitang Tagalog na hiram sa Espanyol akala niya laging pareho ang ibig sabihin ng mga ito sa Kastila, katulad ng “cuchara”, “tenedor”, “cochillo” at iba pang gamit sa mesa. Laking gulat niya na ang “derecho” hindi pala pasulong kundi pakanan sa Espanyol. Ang “siempre” hindi pala “of course” ang ibig sabihin kundi “always”. At minsan, dahil may monthly period siya, nagpunta siya sa drug store at sinabi sa tindero na kailangan niya ng “pasador.” Tanong ng tindero, anong klase daw na pasador? Sabi niya kahit anong brand. Binigyan siya ng pang-ipit ng buhok. “Hair pin” pala ang “pasador” sa Kastila. Paano kaya siya naging sanitary napkin sa Pilipinas?

Sa ibang mga linggwahe, iba ang paraan ng pagtatanong ng pangalan. Imbes na “Ano ang pangalan mo?” ang tanong ay “Paano ka tinatawag?” Pag di natin mahagilap ang salita para sa ibig nating sabihin, minsan hihingi tayo ng tulong. Imu-muwestra mo sa kamay at sasabihin, “Ano nga ba ang tawag sa ganoon?” (Btw, Espanyol din iyan—galing sa mostrar, muestra—ipakita). Ewan ko kung paano minuwestra ng pamangkin ko ang binibili niyang pasador at tuloy hair pin ang binigay sa kanya.

May mga sitwasyon sa buhay ng tao na mahirap talagang pangalanan, hindi lang ang mga bagay-bagay kundi pati mga karanasan at pangyayari sa buhay. Kapag na-shock ang tao o na-trauma sa isang pangyayari, o kapag dumanas siya ng matinding trahedya o pagkasindak, parang nauumid ang dila niya, walang masabi, para si Zacarias. (Marami akong nakitang nagkaganoon sa mga kapamilya ng mga EJK victims.). Sa mga ganyang sitwasyon minsan malaki ang naitutulong ng counselor. Bahagi ng paghilom ang mapangalanan at matanggap ng tao ang kanyang pinagdadaanan. Ang counsellor ay para ding gumaganap sa papel ni Angel Gabriel.

O katulad ng ginawa ni Hesus sa dalawang alagad sa Emmaus nang nagpakita siya at di nakilala, nakilakad, nakinig at nagpaliwanag upang tulungan silang maunawaan ang mga pinagdaanan nilang trahedya sa Jerusalem. Ang inaakala nilang kabiguan sa krus ay isa palang tagumpay, isa palang katuparan ng plano ng Diyos ayon sa Kasulatan. Hindi sila bumalik hangga’t hindi nila napangalanan nang tama ang mga nangyari sa Jerusalem. (Luke 24)

Kahit mahalaga ang pananahimik sa buhay natin, meron din palang pananahimik na hindi mabuti. Baka di natin alam dumaranas na pala ng matinding depression ang tao at delikado ang pwede niyang gawin sa sarili, lalo na kung walang kasama o kaantabay. Mas mabuti kapag natulungan silang magkuwento, masabi ang kanilang nararamdaman.

Sa tingin ko, kung ang balita ni Gabriel ang dahilan ng pananahimik ni Zacarias, si Maria naman ang naging daan para makapagsalita siyang muli. Doon sa aking sinulat na librong Yeshua, nag-“reading between the lines” ako. Noong nakikialam ang mga kapitbahay tungkol sa pangalang minumungkahi nilang ibigay sa bagong-silang na anak ni Elisabet, dahil naroroon sa background si Maria at posibleng siya ang tahimik na pumapapel bilang yaya o baby-sitter, palagay ko si Maria din ang gumawa ng paraan para maudyok si Zacarias na makapagsalitang muli. Palagay ko siya ang nagdala sa bata kay Zacarias at nagsabi, “Kuya, sina-suggest ng mga kapitbahay na tawaging Zacarias Junior itong anak mo. Pero si Ate Elisabet, Juan daw pangalan ng bata.” Alin sa dalawa? At noon muling nabuksan ang bibig niya.

Noon din ginampanan ni Zacarias ang papel ng “pagbibigay pangalan”, bilang tanda na kinikilala niya ang bata bilang kanya. Kaya malaking bagay para sa mga Hudyo ang ritwal ng pagbibigay-pangalan. Kaya pala, tulad ng nabanggit ko kanina, sa ibang mga bansa, imbes na “What is your name?” ang sabihin para alamin ang pangalan, ang tanong nila—halimbawa sa Aleman ay “Wie heissen Sie?” O “How are you called?” (Paano ka tinatawag? ) Ang pagbibigay-pangalan ay sabay na pagpapahayag na rin ng pagtawag o bokasyon at misyon. Kaya sinabi ng mga kapitbahay, “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Magiging tanda ng kagandahang-loob ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng Juan. Hindi lang ito pangalan kundi orakulo. Sayang dahil Linggo bukas, hindi na natin maririnig ang Awit ni Zacarias (Ang Benedictus) nang mabuksang muli ang bibig niya. Sasabihin niya, “Ikaw anak ay magiging propeta ng kataas-taasang Diyos, sapagkat mauuna ka sa kanya upang ipaghanda siya ng daan, upang ipaalam sa kanyang bayan ang pagliligtas na kanyang gagawin sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan.” Hindi lang siya nagbigay ng pangalan; ipinahayag din ang magiging kinabukasan ng bata.

Ito ang dahilan kung bakit tayo naglunsad ng DSPP sa ating diocese. Upang katulad ni Zacarias, mapangalanan din natin, hindi lang mga prayoridad na dapat nating tutukan sa ating pagpaplano. Hindi naman ang gusto natin kundi ang gusto ng Diyos ang layunin natin para sa pagbubuo ng simbahang sinodal na nagkakabuklod, nakikilahok at nagmimisyon. Kailangan din nating pangalanan ang nandiyan na, ang nangyayari na, ang isinisilang na sa ating piling, ang Kristong tumawag sa atin upang makiisa sa kanyang misyon, upang ang dito sa lupa ay maging simula na ng langit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 70,553 total views

 70,553 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,346 total views

 81,346 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,752 total views

 86,752 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 123,835 total views

 123,835 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 135,481 total views

 135,481 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 2,653 total views

 2,653 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 2,647 total views

 2,647 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 2,649 total views

 2,649 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 2,650 total views

 2,650 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 11,226 total views

 11,226 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 6,359 total views

 6,359 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 6,359 total views

 6,359 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 6,359 total views

 6,359 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BASBAS, PAGPAPALA

 33,229 total views

 33,229 total views Homiliya para sa Pampitong Araw ng Simbang Gabi, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 22 ng Disyembre 2023, Lk 1:46-56 Ang Magnificat ay isang “Awit ng Pagpapala”. Sino ang pinagpapala ni Mama Mary? Ang Panginoon. Teka, di ba baligtad? Di ba dapat Diyos ang nagpapala at tao ang pinagpapala? Kahapon ito ang pahayag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAGDADALANG-TIPAN

 25,390 total views

 25,390 total views Homiliya para sa Pang-anim na Araw ng Simbang Gabi, Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 21 ng Disyembre 2023, Lk 1:39-45 Ewan ko kung saan ba nanggaling ang tradisyon na si San Lukas daw ay isa sa mga pinakaunang pintor ng mga imahen ng mga santo at santa. Ang alam ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN (Part 2)

 21,312 total views

 21,312 total views Homiliya para sa Panlimang araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 20 Disyembre 2023, Lk 1:26-38 Tatawagin nating part 2 ang homily na ito. Part 2 ng ating pagninilay tungkol sa gawain ni angel Gabriel na maghatid ng mabuting balita. Kahapon ang binabalitaan ay si Zacarias; ngayon naman si Mama

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN

 23,417 total views

 23,417 total views Homiliya para sa Pang-apat ng araw ng Simbang Gabi, Martes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 19 Disyembre 2023, Lk 1:5-25 Nitong nakaraang Dec 8, pyestang Immaculate Conception, sa ordinasyon ng tatlong bagong pari ng Diocese of Kalookan, hindi si Mama Mary ang tinutukan ko ng pansin sa homily ko kundi si angel Gabriel.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SIMULAN SA LAYUNIN

 17,170 total views

 17,170 total views Homiliya para sa Pangalawang Araw ng Simbang Gabi, Ika-17 ng Disyembre 2023, Linggo ng Gaudete, Juan 1:6-8, 19-28 “Simulan ang lakbayin sa layunin.” (Begin with the end in mind.) Isa daw ito sa “seven habits of highly-effective people” sabi ni Steven Covey. Ito ang buod ng ating pagninilay ngayon tungkol sa simbahang nagmimisyon.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWA AT GAWA

 17,593 total views

 17,593 total views Homiliya para sa Unang Araw ng Simbang Gabi, Ika-16 ng Disyembre 2023, Juan 5:33-36 Tungkol sa SIMBAHANG NAGMIMISYON ang magiging general topic ng ating mga pagninilay nitong buong simbang gabi. Ito kasi ang pinaka-buod na layunin ng isang simbahang “sinodal” o sa simpleng salita, simbahang bukas at laging handang lumabas sa sarili para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAKIRAMDAM

 15,743 total views

 15,743 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang LInggo ng Adbiyento, 14 Disyembre 2023, Mt 11,11-15 “Ang sinumang may pandinig ay makinig.” Ito ang sabi ng huling linya sa narinig nating ebanghelyo. Totoo, di ba, hindi lahat ng may pandinig ay nakikinig. Minsan, naririnig natin ang sinasabi, pero hindi ang ibig sabihin. Ang tunay na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top