Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 147,220 total reads

Kapanalig, ang pasko niyo ba ay naging kalbaryo na dahil sa trapiko?

Halos araw araw ngayon ay naiipit na tayo sa napakasikip na traffic. Sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, isang pangmatagalang tradisyon ang masusumpungan sa kalsada ng Pilipinas — ang Paskong Pilipino. Dati rati, may saya pa tayong mapipiga sa lansangan. Pero ngayon, tila sumosobra na. Kailangan bang maging kasingkahulugan na ng traffic ang Paskong Pilipino?

Ang pagtambad sa matinding traffic jam tuwing Pasko ay isang malamig na realidad na nararanasan ng mga mamamayan. Mula sa pagpunta sa simbahan para sa Simbang Gabi hanggang sa pagbisita sa mga kamag-anak at kaibigan, lahat tayo ay nagiging biktima ng pang-aabala na dulot ng trapiko.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng traffic congestion tuwing Pasko ay ang dami ng sasakyan sa kalsada. Ayon nga sa MMDA, nadagdagan ng mga 15,000 na sasakyan ang ating mga lansangan ngayon pasko. Marahil ang mga tao ay nagsusumikap at nagsusumiksik na maglaan ng oras para makasama ang mahal sa buhay, makabili ng regalo, at makapasyal tuwing Pasko. Magandang tradisyon ito, kaya lamang, ito’y nagreresulta sa pagdami ng mga sasakyan sa kalsada, na siyang nagdudulot ng matinding trapiko.

Dahil sa trapikong ito, sa halip na mas mahaba ang oras natin upang magsama-sama, mas nababawasan pa ito. Sa halip din na maging masaya ang Pasko, nagiging stressful na ito. Ang oras na dapat ay iniuukol natin sa mas makabuluhang bagay, tulad ng pagbibigayan at pagninilay-nilay sa tunay na diwa ng Pasko, ay nauubos na lamang sa paghihintay at pag-aaksaya ng oras sa kalsada.

Kapanalig, kailangan iwaksi na natin ang ganitong sitwasyon kada pasko. This robs us of the joy and meaning of Christmas. Ang traffic ay sagabal na hindi lamang sa pag-unlad ng ekonomiya, kundi pati sa pag-unlad ng ating espirituwalidad. Ang traffic ay trigger ng init ng ulo para sa marami, na nagdudulot ng road rage, ng galit na nauuwi pa natin sa ating pamilya, pati na rin ng aksidente.

May mga alternatibo na maaari nating subukan upang masolusyunan ang problema sa trapiko. Maaaring pagtuunan ng pansin ang paggamit ng mas maraming pampasaherong sasakyan, pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, at ang pag-encourage sa carpooling bilang paraan ng pagbabawas sa bilang ng mga sasakyan sa kalsada.

Ang maayos at mabilis na daloy ng traffic ay isang common good. Ayon sa Justicia El Mundo, All of us have the right and duty to promote the common good. Sabi rin sa Octogesima Adveniens, political power, which is the natural and necessary link for ensuring the cohesion of the social body, must have as its aim the achievement of the common good. Kaya’t kung nais natin na mabawasan ang traffic sa ating mga lansangan ngayong pasko, kailangan nating magtulong-tulong, hindi lamang sa pagsunod sa mga regulasyon sa trapiko, kundi para rin sa pagbabawas ng dami ng sasakyan. May mga alternatibo naman tayo, gaya ng bike, o di kaya, paglalakad. Maari rin ng bawasan nating ang paglabas, at sa halip ay magdasal tayo at magpasalamat.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 48,956 total reads

 48,956 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 131,984 total reads

 131,984 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 226,316 total reads

 226,316 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 288,001 total reads

 288,001 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 331,524 total reads

 331,524 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 48,957 total reads

 48,957 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 131,985 total reads

 131,985 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 226,317 total reads

 226,317 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 288,002 total reads

 288,002 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top