Drug Rehab Centers ng simbahan, kabilang sa mga dadalawin ng WACOM4 delegates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

Malaking pagkakataon ang 15 places of mercy upang masaksihan ng lahat ng mga bumabatikos sa Simbahan na hindi lamang ito puro salita kundi may ginagawa para sa tao.

Ayon kay Diocese of Malolos, Bulacan Social Communications Ministry Director Rev. Fr. Nick Lalog, ang Simbahan ay mula’t sa mula ay palagi ng nangangalaga sa buhay sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.

Iginiit pa ni Fr. Lalog na bahagi ito ng pagtugon ng Simbahan sa panawagan ni Hesus na pagmimisyon sa mga dukha at nangangailangan.

Patunay lamang aniya ang 15 places of mercy na pinuntahan ng halos tatlong libong foreign delegates ng 4th World Apostolic Congress kasama ang iba pang gawaing apostolado ng Simbahan.

Binanggit rin ni Fr. Lalog ang Galilee Homes sa Dona Remedios Trinida sa Sta. Monica Prish sa Angat, Bulacan na nangangalaga sa mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.

“Ang Simbahan magandang malaman ng mga tao hindi lamang ng mga foreign delegates kundi ng lahat at lalahatin ko na hindi lang dito sa Diocese of Malolos kundi sa lahat ng diyosesis sa buong Pilipinas. Ang Simbahan ever since palaging nangangalaga sa buhay sapagkat ito ay bigay sa atin na misyon ng ating Panginoong Hesukristo. Ang sabi niya sa ebanghelyo si Hesus ay naparito hindi upang mawalan kundi magkaroon ng buhay ang lahat ng tao. Kaya ito ay isang konkreto at practical application ng Divine Mercy kaya sila nagpunta sa 15 places of Mercy para masaksihan at maranasan nila ano ba yung ginagawa ng mga pari, mga madre at mga volunteers na nasa marginalize,” bahagi ng pahayag ni Fr. Lalog sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa mga naunang pahayag, una nang binanggit ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., na ang dakilang habag ng Panginoon ay walang hanggan na iniaalok sa lahat ng tao kabilang na ang mga nagkasala.

Giit ng Obispo, maging ang mga ito pa ay tinatawag na salot sa lipunan o ang mga nalulong sa ilegal na droga.

Dagdag pa ni Bishop Bacani ito ang naipagkait sa mga biktima nang pagpaslang na inuugnay sa droga–ang pagkakataon para makapagbago at magsisi sa kanilang kasalanan.

Base sa datos ng Philippine National Police, tinatayang may higit na sa anim na libo ang napapaslang dahil sa ‘drug war’ kabilang na dito ang tinatawag na ‘death under investigation’.

Patuloy naman ang panawagan ng simbahan laban sa pagpaslang habang patuloy din ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga lulong sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng paghuhubog at masisilungan para sa mga biktima ng droga.

Kabilang na dito ang Sanlakbay ng Caritas Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila-isang church based rehabilitation program sa mga simbahan katuwang ang mga institusyon ng simbahan, local na pamahalaan, Department of Health at Department of the Interior and Local Government.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,351 total views

 11,351 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,503 total views

 34,503 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,616 total views

 104,616 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,229 total views

 179,229 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,544 total views

 258,544 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 143,800 total views

 143,800 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,389 total views

 309,389 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top