Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 103,790 total views

Mga Kapanalig, mahilig ba kayong sumubaybay sa mga teleserye? Siguradong nabalitaan ninyo ang tila teleseryeng bangayan na nangyayari ngayon sa pagitan ng mga Duterte at Marcos na noong kampanya ay binansagang “UniTeam”. 

Noong nakaraang linggo, isinagawa ang isang leader’s meeting at prayer rally sa Davao City sa panguguna ng mga Duterte, kasabay ng “Bagong Pilipinas” rally sa Maynila na pinangunahan naman ni Pangulong BBM. Ang nangyari sa Davao, na isinagawa upang tutulan ang charter change, ay nagmistulang okasyon kung saan naglabas ng mga hinaing tungkol sa kasalukuyang administrasyon ang mga Duterte.

Nagsimula ito noong sinabi ni Davao City Mayor Baste Duterte, na anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na mag-resign na lang si Pangulong BBM. Aniya, ang katamaran, kakulangan sa habag, at pag-priotize sa pulitika ni Marcos ay nagiging dahilan ng opresyon at pagtaas ng kriminalidad sa bansa. Sinundan naman ito ng mga tirada ni dating Pangulong Duterte na drug addict daw, o sa kanyang mga terminong ginamit, “bangag” mula pa noon hanggang ngayon, ang presidente. Pinanindigan din ni Duterte na ang pangalan ni Marcos ay nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (o PDEA) bilang isang drug personality. Pinabulaanan naman ito ng PDEA at sinabing hindi kailanman lumabas si Marcos sa kanilang listahan.

Bukod sa mga akusasyong ito, tinira din ng mag-amang Duterte ang hindi pagharang ng administrasyong Marcos sa pag-imbestiga ng International Criminal Court (o ICC) sa nangyaring drug war ni Duterte. Pasaring pa ng nakababatang Duterte, paano ito nagagawa ni BBM gayong binigyan ng tatay niya ang tatay ni Marcos ng hero’s burial? Tila ba ipinaaalala niyang may utang ng loob sa mga Duterte ang mga Marcos.

Nang hingin ng media ang pahayag ni Pangulong BBM, sinisi niya ang fentanyl, isang napakalakas na painkiller, na ginamit diumano ni dating Pangulong Duterte para sa kanyang spinal issues. Para naman kay VP Sara Duterte, ang mga salita ng kanyang kapatid ay brotherly love dahil daw sa hindi magandang trato sa kanya ng mga nakapalibot kay Pangulong BBM.

Pero ano nga bang mapapala ng mga Pilipino at ng ating bansa sa kanilang pagbabangayan na mistulang nasa isang teleserye?

Sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating politika katulad nito gayundin ng laban sa loob ng Kongreso patungkol sa charter change, masasabi nating marami sa ating mga pampublikong opisyal ang ibinibida ang kanilang mga personal na interes lamang imbis na gawin ang kanilang trabaho. Ngunit hindi ba dapat ang bida sa teleseryeng ito ay ang kapakanan ng mga mamamayan? Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, sinasabing ang pulitika ay hindi dapat tungkol sa pag-aangat ng sarili ng mga pulitiko para pabanguhin ang kanilang imahe sa mga tao. Ito ay ang pagbibigay-pansin sa kung ano ang ginagawa ng mga taong nasa pulitika gamit ang kanilang posisyon para sa pag-unlad ng lipunan.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang ilihis ng teleseryeng ito ng mga pulitiko ang ating atensyon sa mga mas mahahalagang isyu sa ating bansa ngayon. Angkop na paalala sa ating lahat, lalo na ang ating mga inihalal na pampublikong opisyal, ang sinasabi sa Filipos 2:3, “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip … ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 4,458 total views

 4,458 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 30,914 total views

 30,914 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 81,598 total views

 81,598 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 87,550 total views

 87,550 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 116,468 total views

 116,468 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 30,915 total views

 30,915 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 81,599 total views

 81,599 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 87,551 total views

 87,551 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »
Scroll to Top