Proteksyon para sa mga gig workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 161,713 total views

Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa.

Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero marami sa kanila ay hindi sapat ang proteksyon. Ang mga karaniwang benepisyo na natatanggap ng mga regular na manggagawa ay hindi natatanggap ng mga gig workers. Napakahalaga, kapanalig, na mabigyan ng atensyon ito dahil marami na ang apektado nito.

Ang mga benepisyo gaya ng social security benefits tulad ng health insurance, sick leaves, at retirement benefits ay dapat makuha rin ng ating gig workers. Ang mga benepisyong ito ay makakatulong sa kanila na mapanatili ang kanilang kalusugan at kabuhayan kahit hindi sila regular na empleyado.

Mahalaga rin ang pagtutok sa seguridad at kaligtasan ng mga gig workers habang sila ay nagtatrabaho. Dapat mayroong mga patakaran at regulasyon na naglalayong mapanatili ang kanilang kaligtasan sa kanilang trabaho. Kasama rito ang pagbibigay ng safety training at equipment sa kanila upang maiwasan ang aksidente at pinsala. Tandaan natin kapanalig, marami sa ating mga gig workers ay mga riders – mga nagmomotorsiklo sa araw at gabi, at laging malapit sa panganib.

Mahalaga rin, kapanalig, ang pagtutok sa mga isyu ng kontrata at sahod ng mga gig worker. Dapat siguruhin na ang kanilang mga kontrata ay patas at hindi nagsasamantala sa kanilang kalagayan. Dapat din na ang kanilang sahod ay sapat at nakabatay sa kanilang trabaho at oras ng pagtatrabaho. Napakaliit ng sweldo ng karamihan sa kanila, at ang halaga nito ay karaniwang nakatali sa quota. Kapag hindi maabot ang quota, laging bitin ang sweldo, kahit pa patang pata ang katawan at isip sa kakayod kada araw.

Ang pagbabantay sa kalagayan ng mga gig workers ay pagbabantay sa kapakanan ng napakarami nating mga kababayan – mga manggagawa na siyang pundasyon at gulugud ng ating lipunan. Ang pagtugon sa mga isyu nila ay magbibigay ng mas maayos at makataong kondisyon sa mga manggagawa sa gig economy. Hindi lamang sila ang makikinabang dito, kundi tayong lahat na tumatangkilik at nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Dinggin natin ang paalala mula sa Rerum Novarum: Ang kontribusyon ng uring manggagawa ay napakahalaga. Sa katunayan, masasabi natin na dahil sa kanilang pagkayod yumayaman ang Estado. Justice demands, kapanalig, na ingatan natin ang kanilang interes upang makabahagi naman sila sa mga benepisyong kanilang nalilikha.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 5,988 total views

 5,988 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 29,140 total views

 29,140 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 99,252 total views

 99,252 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 173,866 total views

 173,866 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 253,578 total views

 253,578 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 5,989 total views

 5,989 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 29,141 total views

 29,141 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 99,253 total views

 99,253 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 173,867 total views

 173,867 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top