Cardinal Tagle, ginawaran ng Order of Legion of Honour ng Pransya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,890 total reads

Ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng French Government si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Iginawad kay Cardinal Tagle ang Order of Legion of Honour sa pamamagitan ni French Ambassador to the Vatican Florence Mangin sa ngalan ni French President Emmanual Macron.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino at Radio Veritas Vatican Correspondent, ang pagkilala ay inialay din ni Cardinal Tagle sa lahat ng mga Filipino.

“Isang medal ito na ibinigay kay Cardinal Tagle in recognition for his role, lalo na dito sa Vatican kasi siya nga ang in-charge ng Office ng Mission ng ating simbahan ng ating Roman Curia, ibig sabihin mga concerns about mission sa kaniya inihahabilin ni Pope Francis. Siya ang in-charge ng malaking part ng Africa, Asia, Carribean at Pacific islands.” ayon kay Fr. Gaston sa programang Veritas Pilipinas.

Ang Legion of Honour, ay ang pinakamataas na pagkilala ng France na iginagawad sa mga natatanging indibidwal bilang pagkilala sa kanilang mga gawain para sa kabutihan ng buong mundo at ng Pransya.

Kinilala ng Pransya ang mga gawain ni Cardinal Tagle sa simbahan nang manilbihang arsobispo ng Maynila na paglingap sa mga mahihirap at naisasantabing sektor ng lipunan gayundin sa mga biktima ng karahasan at nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Pinasalamatan din ng French government ang cardinal sa suportang ibinigay sa French Association na Anak-TNK o Tulay ng Kabataan sa Manila sa ilalim ng pangangasiwa ni Fr. Matthieu Dauchez.

“Mr. Cardinal, it is an honour for me to present you with this decoration, by which France wishes to honour your remarkable career as a man of the Church at the service of the common good.” bahagi ng pahayag ni Mangin.

Sinabi pa ni Fr. Gaston na ipinapaabot ni Cardinal Tagle ang pasasalamat sa Pransya gayundin sa lahat ng mga mananampalatayang Filipino sa nakamit na pagkilala bilang bahagi ng misyon ng simbahan.

Kabilang sa dumalo sa pagdiriwang ang kapatid ni Cardinal Tagle na si Manuel Tagle, Philippine Ambassador to the Vatican Maila Macahilig, Philippine Ambassador to Italy Nathaniel Imperial at mga kinatawan ng Filipino Religious Congregations kabilang ang La Salle, Dominican at Adorno Fathers.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 8,897 total reads

 8,897 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 29,446 total reads

 29,446 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 94,500 total reads

 94,500 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 179,866 total reads

 179,866 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 226,602 total reads

 226,602 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 274,476 total reads

 274,476 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 373,654 total reads

 373,654 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top