Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,424 total reads

Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25

Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang? Saan ka lalagay? Obvious ba?

Madaling pumili kung obvious ang pagpipilian. Pero iyun na nga ang problema, kung minsan ang akala mong mabuti ay makasasama pala; ang akala mong bubuhay sa iyo ay nakamamatay pala. Ang akala mong pakinabang ay pagkalugi pala. Ang tunay na hamon ay wala sa pagpili kundi sa pagkilatis sa mga pagpipilian. Pag sinabi mong AKALA KO KASI, ibig sabihin nabudol ka. Pumili kasi kaagad nang di man lang sinuri ang pagpipilian. Lahat ng “akala” ay mali, at siyempre, kasabihan nga natin, ang laging nasa huli ay… pagsisisi.

Ang dimonyo mahusay sa advertising. Mabenta ang tinda niya sa mga taong hindi gaanong nag-iisip. Kaya kailangan natin ang panahong ito ng kuwaresma—panahon para sa ibang klaseng pagsasanay, pagsasanay ng kaluluwa sa mga disiplina ng pananalangin at pagkilatis o pagpili nang tama. Maraming beses kasi tayong hahantong sa mga sangandaan sa paglalakbay natin dito sa mundo. Sabi nga ng theme song sa lumang pelikulang Sister Stella L., “Aling landas ang susundin ng puso? Saan ka liligaya? Saan mabibigo? Saan ka tutungo?”

Hindi ba nakapagtataka na kahit nilinaw naman ni Hesus na ang pinapasok niya ay magdudulot ng pagdurusa at kamatayan, mayroon pa ring sumusunod sa kanya? Intelihente o matalino ang tawag natin sa mga marurunong. Pero maraming mga taong kahit marurunong ay napapariwara pa rin. Lalo na kapag ang karunungan na natutunan ay katusuhan, o husay at galing sa pansarili lamang. Pwede bang mabuo o mabigyang kaganapan ang ating pagkatao kung pansarili lamang ang alam natin? Kung di tayo matutong magbigay, magbahagi, magparaya, magmalasakit, magmahal, at maghangad ng layuning lampas sa sarili natin?

Marami daw klase ng karunungan—may mahusay sa arte o sining, may matalino sa pangangatwiran, may magaling sa pamumuno at pangangasiwa, may matinik sa negosyo, may mabilis sa pakiramdaman. Ang Kuwaresma ay panahon ng pagsasanay para sa espiritwal na karunungan o “spiritual intelligence”. Nakatutuklas ng ibang klaseng kaligayahan hindi lang sa pagtanggap kundi sa pagbibigay na walang hinihintay na kapalit. Nananalangin para matuklasan sa kalooban ng Diyos ang tunay nating kalooban. Nagpapakagutom dahil may hinahangad na ibang klaseng kabusugan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 11,006 total reads

 11,006 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 31,571 total reads

 31,571 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 97,681 total reads

 97,681 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 183,048 total reads

 183,048 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 229,783 total reads

 229,783 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 277,657 total reads

 277,657 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 376,671 total reads

 376,671 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAKIKIPAGKAPWA-TAO

 5,065 total reads

 5,065 total reads Homiliya para sa Ika-30 Linggo ng Karaniwang Panahon Ika-25 ng Oktubre 2026 Ebanghelyo: Mateo 22:34–40 May ikukuwento muna ako sa inyo. Nangyari ito

Read More »

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 12,313 total reads

 12,313 total reads Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly

Read More »

THE “HEART OF THE FILIPINO”?

 6,157 total reads

 6,157 total reads I used to prefer Philippine Airlines over other carriers because I associated PAL with convenience and comfort. But my experience today, October 20,

Read More »
Scroll to Top