Tulong ng China sa Pilipinas, pinagdududahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Duda si Puerto Prinsesa Bishop Pedro Arigo sa 3.7-bilyong dolyar na poverty reduction funds na kaloob ng China sa Pilipinas.

Bagamat ikinatutuwa ni Bishop Arigo ang ulat, ikinababahala nito ang intensiyon ng China na makiisa sa 30-proyekto ng Pilipinas lalo’t anumang ibinibigay na tulong ng ibang estado ay tiyak na may malaki itong kapalit.

Nangangamba rin ang Obispo na mas malaki pa ang pakinabang ng China sa tulong na ipinagkaloob sa Pilipinas sa bandang huli.

“Definitely yung mga ganyang mga subsidy o anumang tinatanggap ng Pilipinas kalimitan ang mga iyan ay with exchange attach. Natutuwa tayo parang good news merong poverty alleviation funds pero ang magandang isipin ano ang kapalit niyan. Baka at the end we will be losing more than what we receive.”pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.

Tinukoy ng Obispo ang pagkamkam ng China sa ilang lupaing pagmamay –ari ng bansa at para pagtakpan ang usapin sa West Philippine Sea ay bubuhusan nito ng 3.7-bilyong dolyar na pondo ang pamahalaan ng Pilipinas.

“Kasi alam niyo, wala na tayong kalayaan sa Spratlys dahil knowing China they will not give up their claims. Kaya tulad ng sinabi ko noon inaagawan tayo ng property then at the same time bibigyan tayo ng poverty funds para manahimik na kayo.” Giit pa ni Bishop Arigo sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, sa huling poverty incidence na inilabas ng National Economic Development Authority, bumaba sa 21.6 percent o katumbas na lamang ito ng one – fifth sa kabuuang mahigit na 100 milyong populasyon ng bansa ang naghihirap.

Naunang iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo na kulang ang mga programa ng kasalukuyang pamahalaan para tugunan ang malubhang problema ng Pilipinas sa kahirapan.

See.. http://www.veritas846.ph/gobyerno-kulang-ang-focus-sa-paglaban-sa-kahirapan/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 38,871 total reads

 38,871 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 76,576 total reads

 76,576 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 111,873 total reads

 111,873 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 338,143 total reads

 338,143 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 229,159 total reads

 229,159 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,641 total reads

 293,641 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,255 total reads

 406,255 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top