Family living wage, hamon ng AMLC sa pamahalaan at Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,166 total reads

Nanindindagan ang Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) na dapat makamit ng mga manggagawa ang ‘family living wage’.

Paalala ito ng A-M-L-C kasunod ng pagsusulong ng mga mambabatas ng 100 hanggang 150-pesos na legislated wage hike na karagdagan sa kasalukuyang 610-pesos na minimum wage sa non-agriculture workers, 573-pesos sa agricultural workers at 573-pesos sa service o retail employees.

Iginiit ng Church based labor ministry na ang kasalukuyang pasahod sa mga manggagawa ay kulang na kulang sa family living wage na umaabot sa 1,311-pesos noong Pebrero 2024 upang makapamuhay ng may dignidad ang mga manggagawa.

“Bilang simbahan ng maralita (Church of the Poor) na siyang tagapagtaguyod ng hustisya at kapayapaan, na siya ring pinagbabatayan ng moralidad ng lipunan, dapat tayong magsilbing mabuting ehemplo sa pagbibigay ng dignidad sa mga mangagawa. Hindi sapat na sumusunod lamang tayo sa itinakda ng pamahalaan na antas ng pasahod at sabihin na wala na tayong alalahanin dahil sumusunod tayo sa batas. Tandaan natin na tayong nasa Simbahan ang laging nakamasid at nagpapaalala sa pamahalaan sa kanilang pagkukulang,” ayon sa mensahe ng AMLC.

Binigyan diin ng AMLC na ang tinatamasang suweldo ng mga manggagawa sa Pilipinas ay taliwas sa katuruan ng ensiklikal na Laborem Exercens ni Saint John Paull II na magiging makatarungan kung ang natatanggap na suweldo ng mga manggagawa ay sapat upang makasuporta sa kanilang pangangailangan at pamilya.

Hindi din kumbinsido ang AMLC sa pahayag ng business sector na maraming negosyo ang magsasara sa 100 o 150-pesos na legislated wage increase.

Tiniyak naman ng AMLC ang pinaigting na pakikiisa sa sektor ng mga manggagawa upang marinig ng lipunan at makakarating sa pamahalaan ang kanilang apela sa dinaranas na pasakit.

“Alam nating ang mga manggagawa ay nabibilang sa mga sinasabi ni Pope Francis na “the least, the last and the lost” at marapat lamang na nasa kanila ang pagpanig ng Simbahan. Isang hamon sa atin na piliting ipatupad ang “family living wage” sa ating hanay. Lagi natin tatandaan na ang pagsunod sa batas ng minimum wage ay ligal, subalit mas moral kung ating ipatutupad ang family living wage, ganito din ang ating panawagan sa mga negosyante sa ating bansa: Pahalagagan natin ang mga manggagawa na silang nagpapaunlad ng mga negosyo at ekonomiya at ang unang sukatan ng pagpapahalagang ito ay ang nakabubuhay na sweldo,” ayon pa sa mensahe ng AMLC.

Sa Senado, ay pasado na sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill No. 2534, o 100-pesos daily minimum wage increase for workers increase act habang patuloy na dinidinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 150-pesos na wage hike

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 8,699 total reads

 8,699 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,936 total reads

 8,936 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 24,897 total reads

 24,897 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 147,201 total reads

 147,201 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 197,564 total reads

 197,564 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 324,622 total reads

 324,622 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 408,894 total reads

 408,894 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,937 total reads

 8,937 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top