Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,778 total views

Ang Mabuting Balita, 23 Pebrero 2024 – Mateo 5: 20-26

PAGPAPAKITANG-TAO LAMANG

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

“Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyerno. Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos.
“Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo ng tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”

————

Ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay isang napakabuting katangian. Ngunit, bakit sinabi ni Jesus na kung ang pagsunod natin sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos? Ito ay sapagkat ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ng mga eskriba at mga Pariseo, bagama’t napakahigpit, ang paggawa nila nito ay PAGPAPAKITANG-TAO LAMANG. Ang pagsunod nila ay hindi nagmumula sa kanilang mga puso.

Ito ay isang bagay na tayo bilang mga Kristiyano, ay kailangang maging mapanuri. Baka tayo ay katulad ng mga eskriba at mga Pariseo na nag-iisip, o pinagmamalaki na tayo ay mahigit na “moral” kaysa ibang tao, ngunit sa katunayan, ito ay PAGPAPAKITANG-TAO LAMANG. Ito ay ginagawa natin upang isipin ng iba na tayo ay mga BANAL. Sa salitang kalye, ito ang tinatawag na “Santong Kabayo.” Ano ang saysay nito? Ito ay LUBOS NA PAG-AAKSAYA NG ORAS. Isang araw, bigla na lang tayo namatay, at mawawala ng tuluyan ang pagkakataong maging tunay na mabuti. Isang malaking trahedya!

Panginoon, gawin mong dalisay ang aming puso, bunga ng pagmamahal sa iyo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,262 total views

 51,262 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,131 total views

 47,131 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,333 total views

 83,333 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,932 total views

 91,932 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,923 total views

 116,923 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ETERNALLY PRESENT

 1,510 total views

 1,510 total views Gospel Reading for June 07, 2026 – John 6: 51-58 ETERNALLY PRESENT The Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ

Read More »

IN OUR HEARTS

 2,966 total views

 2,966 total views Gospel Reading for June 06, 2026 – Mark 12: 38-44 IN OUR HEARTS In the course of his teaching Jesus said, “Beware of

Read More »

ONCE AND FOR ALL

 3,077 total views

 3,077 total views Gospel Reading for June 05, 2026 – Mark 12: 35-37 ONCE AND FOR ALL As Jesus was teaching in the temple area he

Read More »

BEST VERSION

 3,240 total views

 3,240 total views Gospel Reading for June 04, 2026 – Mark 12: 28-34 BEST VERSION One of the scribes came to Jesus and asked him, “Which

Read More »
Scroll to Top