Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 119,671 total views

Kapanalig, summer na naman. Kakambal na ng summer ang turismo sa ating bayan. Sa ganitong panahon hindi lamang ang araw ang hitik na hitik, kundi pati ang industriya ng turismo sa ating bayan.

Nito lamang January, tumaas ng mahigit 23% ang bilang ng mga turista sa ating bansa. Mahgit 574,000 tourists ang dumating sa ating bayan, kumpara sa January noong nakaraang taon na mahigit 464,000. Tataas pa ito ngayong tag-init, dahil maliban sa foreign tourists, mas dumadami na din ang local tourists sa ating bansa.

Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng turista sa ating bayan ay nagbibigay ng mas malaking ambag sa ekonomiya ng ating bayan. Pero kapanalig, ang tanong, sa ambag ba nito, may natitira ba para naman sa pangangalaga at proteksyon ng ating mga tourist spots?

May trade off talaga, kapanalig, ang mga malalaking industriya gaya ng turismo. Sa pagdami ng tao sa ating mga tourists spots, mas dumadami siyempre ang basura, ang pagkonsumo, at ang collateral damage sa mga nadadaanan ng tao. Minsan pa nga, may mga pagkakataon na nava-vandalize o binabalahura ang mga scenic spots na ito. May ginagawa ba tayo upang pangangalagaan ang mga lugar na ating pinagkaka-kitaan?

Kapanalig, panahon na upang mapalaganap natin ang sustainable tourism sa ating bayan. Sunod ito sa pangaral mula sa Laudato Si, na nagsasabi na “mahalagang maghanap tayo ng mga komprehensibong solusyon na isinasaalang-alang ang atin ugnayan sa ating mga natural ecosystems at social systems. Sa ngayon, ang tao ay karaniwang kuha na lamang ng kuha mula sa inang kalikasan kahit depleted na o ubos na ang likas yaman. At ang tao ay hindi nakukuntento sa pagkuha, nagtatapon pa siya ng nagtatapon – kaya’t ang puwang o vacuum na kanyang nilikha ay napupuno na lamang ng basura.

Para maging sustainable ang turismo sa ating bayan, paka-isipin natin na hindi lagi kailangan bulabugin ang kalikasan upang maging tourist spot ang isang lugar. Nauuso na ang eco-tourism ngayon, isang uri ng turismo na nakatutok sa natural na pakikisalamuha sa kalikasan -natural experience with nature – na hindi kailangang magtatag ng mga istraktura na puputol o di-disrupt sa natural na daloy ng kalikasan. Sa ganitong paraan, malalasap natin ang ganda ng paligid na walang sinisira o dinudumihan.

Napakahalaga kapanalig, na ating masakatuparan ang sustainable tourism. Kapag ang isang lugar ay ating inabuso, ang restoration nito ay tatagal ng mahabang panahon. Mangangahulugan ito ng pagkasira ng kalikasan, na siyang ating pinagkakakitaan. Ang kinabukasan ng kalikasan at kinabukasan natin ang nalalagay sa peligro. Malinaw kapanalig, na ang ating buhay ay nakatali sa ating kalikasan. Kaya’t sana, matuto na tayong alagaan ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 29,076 total views

 29,076 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 29,076 total views

 29,076 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 29,076 total views

 29,076 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 28,097 total views

 28,097 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 25,502 total views

 25,502 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 29,077 total views

 29,077 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 29,077 total views

 29,077 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 29,077 total views

 29,077 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 28,098 total views

 28,098 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top