Pabahay at Climate change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 117,822 total reads

Ang de kalidad na pabahay ay napakahalaga, kapanalig. Hindi na pwede ang mga nakagawian nating “pwede na” pagdating sa ating mga tahanan. Ngayon, kailangan natin matibay, maasahan, at abot-kayang pabahay. Ang pabahay kasi ngayon ay isang uri ng climate resilience na rin.

Eto na ang era ng climate change, at pati ang mga bahay natin, kapanalig, ay kailangan na rin makibagay o mag-adapt. Lumipas na ang mga araw na pwede na ang yero bilang panagpi at dingding. Hindi na akma ang mga bahay na nag-aabsorb at nagkukulong ng init, ng walang ventilation at insulation. Dama ng marami nating kababayan ngayong tag-init ang epekto ng ganitong uri ng masisilungan. Para kang pinapasok sa hurno dahil sa init. Hindi ito maganda para sa kalusugan ng mamamayan.

Hindi na rin akma ngayon ang mga tahanang marupok ang mga dingding at bubong. Sa lakas ng hangin at ulan na dala ng mga bagyo sa ating panahon  ngayon, liliparin agad ang ating mga bahay.

Pati mga komunidad kung saan nakatayo ang ating mga tahanan ay kailangan na rin nating mabago at maiakma sa panahon ng climate change. Kailangan malaman natin kung malambot ba ang lupa dito, mabilis at malalim bang magbaha, at kung lagi bang dinadaanan ng mga sakuna na bunsod ng mga natural disasters.

Mahirap gawin ito. Ganito pa rin ang tahanan ng marami nating mga maralitang kababayan. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtitis sa ganitong sitwasyon dahil napakamahal ng pabahay sa bansa. Marami ka mang nakikitang mga konstruksyon  ng condominium o pabahay, ang mga ito ay hindi marketed para sa mga maralita. Ang mga housing developers natin nakatutok sa mga mayayaman nating mga kababayan, hindi sa pagtulong sa pagbibigay tahanan sa mga homeless nating kababayan. Kaya nga’t hindi nakakapagtaka na pagdating ng 2030, maaaring umabot ng 6.5 million ang housing shortage sa ating bansa.

Kapanalig, maaari namang magdevelop ng pabahay na naka-market para sa mga maralita, hindi lamang ang pribadong sektor, kundi ang pamahalaan mismo. Kung kayang umupa ng marami nating mahihirap na kababayan, kakayanin din nila magbayad sa abot-kayang pabahay, hindi ba? Maaaring makipag-partner ang pamahalaan sa mga developers upang magtatag ng mga komunidad at pabahay na titiyak sa kaligtasan ng pamilyang Pilipino. Ang ganitong pagkilos ay aksyon tungo sa panlipunan katarungan o social justice, na isa sa layunin o goal ng ating Kristiyanong pananalig. Sabi nga sa sa Sollicitudo Rei Socialis, ang kawalan ng pabahay ay simbolo ng ating napakalaking pagkukulang sa lipunan, at nagpapakita rin kung gaano tayo kalayo sa kaganapan ng ating humanidad o pagkatao. Ang de kalidad na pabahay, kapanalig, ay isang human right, na dapat nating kilalanin at tiyakin.

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,869 total reads

 8,869 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,536 total reads

 63,536 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,901 total reads

 148,901 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,638 total reads

 195,638 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,510 total reads

 243,510 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,340 total reads

 344,340 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,538 total reads

 63,538 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,903 total reads

 148,903 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,640 total reads

 195,640 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,512 total reads

 243,512 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top