Mamamayan, hinamon ng Obispo na maging mabuting tagapangalaga ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,621 total reads

Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na higit pang ipakita ang pagiging mabubuting anak ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga sa sangnilikha.

Ayon kay Bishop Santos, bilang mga anak ng Diyos, ang tao’y nilikha hindi lamang upang tamasahin ang mga likas na yamang handog, kun’di pinagkakatiwalaan din sa tungkuling pangasiwaan at pangalagaan ito para sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.

“When we show that we care for God’s creation, we are showing that we are His true children. And in doing so, we give back in a way that honors God,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay paanyaya para sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024 sa Sabado, March 23, kung saan muling isasagawa ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Sinabi ni Bishop Santos na ang paglalaan ng isang oras para sa mundo ay kaakibat ang positibong epekto na makatutulong upang makapagpahinga ang inang kalikasan.

Pagbabahagi ng obispo na noong nilikha ng Diyos ang daigdig ay ipinagkatiwala na Niya sa mga tao ang pangangalaga at pagpapayabong dito, kaya naman ang pandaigdigang gawain ay magandang hakbang upang ipakita ang pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan.

“We must then show obedience by protecting the environment and helping it to thrive and prosper, in whatever way we can. We are called by God to give support, in any form, as part of our responsibility of stewardship,” saad ni Bishop Santos.

Samantala, pangungunahan ng Manila City Government ang pagdiriwang ng Earth Hour sa Pilipinas katuwang ang World Wide Fund for Nature Philippines.

Isasagawa rin ng Radio Veritas 846 ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2024 Special” mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi na mapapakinggan sa DZRV 846 AM at matutunghayan sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at sa Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ito’y sa pakikipagtulungan din ng WWF-Philippines at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Taong 2007 nang unang isagawa sa Sydney, Australia ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon para sa kalikasan, at ngayo’y isinasagawa na sa higit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,669 total reads

 3,669 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,101 total reads

 56,101 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,467 total reads

 141,467 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,203 total reads

 188,203 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,075 total reads

 236,075 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,302 total reads

 337,302 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,895 total reads

 169,895 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top