Kalbaryo ng mga maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 86,282 total reads

Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw.

Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana Santa upang bigyang-pansin ang kalagayan at panawagan ng mga maralitang tagalungsod. Isinasalarawan nito ang pasyon ni Hesus bilang pagsasalamin sa kalbaryong dinaranas ng maralitang tagalungsod at sa kanilang pakikipaglaban upang makaahon sa kahirapan.

Bago ang mga Mahal na Araw, itinanghal ng mahigit tatlong daang maralitang tagalungsod at mga miyembro ng civil society organizations (o CSO) ang tradisyong ito sa tapat ng National Housing Authority (o NHA) at Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD). Nais nilang ipaabot sa mga ahensya ang anila’y kabiguan ng gobyernong pakinggan ang kanilang panawagan para sa makatao at abot-kayang pabahay. Ipinahayag nila ang pagtutol sa pagpapalawig sa tinatawag na corporate life ng NHA. Bigo raw ang ahensyang tuparin ang mandato nitong maghatid ng maayos, disente, at ligtas na pabahay para sa mahihirap. Halimbawa, karamihan sa mga relocation sites nito ay nakararanas ng matinding pagbaha, kulang sa mga batayang serbisyo, at malayo sa kabuhayan, paaralan, at ospital. 

Ipinarating din ng mga grupo sa DHSUD ang kanilang pagtutol sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (o 4PH) Program. Anila, hindi abot-kaya para sa mahihirap ang mga high-rise buildings o mala-condominium na pabahay. Sa halip na mga ganitong pabahay ang ialok sa maralitang walang sariling tahanan, ipinanawagan nila ang pagpapatupad ng community-led housing solutions katulad ng people’s plan, site upgrading, at Community Mortgage Program (o CMP). Ang mga ito, giit ng grupo, ay naaayon sa pinansyal na kapasidad at paraan ng pamumuhay ng mahihirap. Kasama rin sa panawagan nila ang pagtigil sa cancellation of awards sa resettlement areas; pagkumpuni sa mga bahay na mahinang klase; pamamahagi ng mga pabahay na itinayo na; at pagsuspinde sa kahit anong demolisyon hangga’t magkaroon ng kasunduan ang mga residente at ang gobyerno hinggil sa paraan ng pagpapaunlad ng komunidad.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, pinahahalagahan natin ang pagmamalasakit at pagkiling sa mahihirap. Sa kanyang mensahe noong Kuwaresma, binigyang-diin ni Bishop Jose Colin Bagaforo, presidente ng Caritas Philippines, ang kahalagahan ng pag-aalay ng sarili para sa kapwa. Hindi lamang ito simpleng act of charity o pagkakawanggawa. Ito ay pagkilala na lahat tayo ay magkakaugnay. Aniya, ang bawat act of compassion o pagmamalasakit ay nakatutulong sa pagkamit ng isang makatarungan at mapagmahal na lipunan.

Matagal nang naglalakbay ang mga maralitang tagalungsod para sa pinapangarap nilang makatao at abot-kayang pabahay. Kahit natapos na ang mga Mahal na Araw, sana ay ipagpatuloy pa rin natin ang pagsasagawa ng mga acts of compassion. Maliban sa pagdarasal para sa ating kapwa, samahan natin ang mga maralita sa pagpasan ng kanilang kalbaryo. Maaaring magsimula tayo sa pakikinig sa kanilang mga panawagan. Pataasin natin ang sariling kamalayan at palalimin pa natin ang pag-unawa sa kanilang kalagayan. Ibahagi natin ang kaalamang ito sa iba. Maaari ding magbigay ng donasyon at suporta sa mga nangangailangan at sa mga adbokasiyang nagsusulong ng katarungan at karapatan ng mga isinasantabing sektor. Makiisa tayo sa mga panawagan at pagkilos para sa pagbabago ng sistemang nagdudulot ng ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Mga Kapanalig, hindi nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ang pagpapakita ng malasakit sa iba. Isinasapuso at isinasabuhay dapat natin ito araw-araw. Sabayan natin sa paglalakbay ang ating kapwa at isabuhay ang wika sa Filipos 2:1 na magkaroon ng “kagandahang-loob at malasakit para sa isa’t isa.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 29,484 total reads

 29,484 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 52,001 total reads

 52,001 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 88,501 total reads

 88,501 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 309,126 total reads

 309,126 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 342,044 total reads

 342,044 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Fashion show sa baha

 29,485 total reads

 29,485 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 52,002 total reads

 52,002 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 88,502 total reads

 88,502 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 309,127 total reads

 309,127 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »
Scroll to Top