Urbanisasyon at Kaunlaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 121,550 total views

Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol.

Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang hindi natin makompromiso ang ating kinabukasan, ang sustainability, sa ngalan ng urbanisasyon. Ang inobasyon naman, ay ang pag-gamit ng teknolohiya sa paraang makakabuti para sa lahat tungo sa mas mabilis o accelerated na kaunlaran.

Sa ating bansa, ang balanse at inobasyon ay hindi matingkad sa ating mga urban spaces. Pagdating sa balanse, halos wala nga. Tingnan na lamang natin ang mga housing development sa ating bayan. Marami sa kanila, inukit sa mga dalisdis o slope ng walang pag-iingat. Ang bentahe ng mga ganitong pabahay ay ang napakagandang mga tanawin, pero nakaligtaan ang kaligtasan, May mga talampas sa ating bayan na punong puno na ng bahay at tao – sobra na kapasidad, at mapanganib na.

Marami ring mga pabahay ang ginawa sa mga dating pilapil at daluyan ng tubig. Kadalasan, piecemeal kasi ang development at walang big picture view. Madalas, walang ugnayan o koneksyon maging ang mga magkatabing subdivision, at hindi nila namamalayan na sila sila mismo ay nagbabarahan ng mga daluyang tubig. Nagbabaha na tuloy, at ang local o national government naman, bilang tugon, ay magtataas ng kalsada. Marami ng mga bahay, lalo na ang mga bungalow, ang kalahati na lang ang nakikita mula sa kalye, at siya ng nagiging catch basin pag baha. Piecemeal kasi ang approach sa development, kaya’t nasasayang ang investment ng tao at gobyerno.

Kapanalig, ayon sa opisyal na datos, 54% na ng ating populasyon ang nakatira sa mga urban barangays. At pihadong dadami pa ito sa darating na panahon. Kung hindi natin matutugunan ang hamon ng urbanisasyon, sa halip na maging sentro ng kaunlaran ang mga urban areas, baka ang mga ito pa ang maging sentro ng mga sakuna.

Malaking hamon ito sa ating pamahalaan, lalo pa’t sa panahon ngayon kung kailan mas lalo pa nating hinahabol ang kaunlaran dahil sa inflation at food security issues. Ayon sa Catholic Bishops sa Second Vatican Council: God destined the earth and all it contains for all people and nations so that all created things would be shared fairly by all humankind under the guidance of justice tempered by charity. Hindi patas at hindi makatarungan, kapanalig, ang kasalukuyang urbanization trend sa ating bayan dahil dehado ang mahirap, pati na ang susunod na henerasyon. Ang urban planning ay gawaing Kristyano dahil ito ay gawaing mapagmahal, hindi lamang sa kalikasan kundi sa lahat ng tao. Sana ay mabago ang ating approach at estratehiya dito upang ating maabot ang tunay at sustainable na kaunlaran.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 18,502 total views

 18,502 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 86,231 total views

 86,231 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 109,383 total views

 109,383 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 179,498 total views

 179,498 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 252,850 total views

 252,850 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Gaslighting

 18,503 total views

 18,503 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 86,232 total views

 86,232 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 109,384 total views

 109,384 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 179,499 total views

 179,499 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »
Scroll to Top