Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, ABRIL 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,079 total views

Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang
ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 2, 36-41
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Juan 20, 11-18

Tuesday within the Octave of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 36-41

Pagbasa mula sa mga Gawa ng Mga Apostol

Noong araw ng Pentekostes, sinabi ni Pedro sa mga Judio: “Dapat malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa krus – siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!”

Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang gagawin namin?” Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo sa pangalan ni Hesukristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”

Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo’y maligtas.” Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabinyag; at nadagdag sa kanila ang may tatlong libong tao nang araw na iyon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

o kaya: Aleluya!

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y binubuhay.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

ALELUYA
Salmo 117, 24

Aleluya! Aleluya!
Araw ngayong gawa ng D’yos,
magdiwang tayo nang lubos.
Purihin ang Manunubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 11-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Maria’y nakatayong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, ang isa’y sa gawing ulunan at ang isa nama’y sa paanan. Tinanong nila si Maria, “Ale, bakit kayo umiiyak?” Sumagot siya, “Kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan dinala.” Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Hesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Tinanong siya ni Hesus, “Bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Akala ni Maria’y siya ang tagapag-alaga ng halamanan, kaya’t sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko.” “Maria!” ani Hesus. Humarap siya at kanyang sinabi, “Raboni!” – ibig sabihi’y “Guro.” “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakapupunta sa Ama,” wika ni Hesus. “Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.” Kaya’t si Maria Magdalena’y pumunta sa mga alagad at sinabi, “Nakita ko ang Panginoon!” At tuloy sinabi sa kanila ang bilin ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagpapahayag sa atin si Kristo sa kanyang mga makapangyarihang salitang walang hanggan at mga gawang nakapagpapagaling. Sa pamamagitan niya, buong pagtitiwala tayong manalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng Panginoong muling nabuhay, iwaksi Mo ang aming mga takot.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magturo ng katotohanan ni Kristo at labanan ang mga kasamaan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumuno sa mundo nawa’y magtaguyod ng pagiging matuwid sa kanilang mga pamahalaan at maging masigasig sa pagsupog ng kasamaan sa mga pamayanang pinangakuan nilang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat na natitipon dito nawa’y manatiling tapat sa ating mga pangako sa Binyag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kagalingan sa panghihina ng kanilang katawan at kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

O Diyos, sa pamamagitan ng Kamatayan ng iyong Anak, ibinigay mo sa amin ang pag-asa sa buhay na walang hanggan. Loobin mo na sa pamamagitan ng kanyang Muling Pagkabuhay ay matamo namin ang buhay na aming inaasam. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 18,373 total views

 18,373 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 34,069 total views

 34,069 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 42,469 total views

 42,469 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 106,816 total views

 106,816 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 173,167 total views

 173,167 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 4, 2026

 297 total views

 297 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing

Read More »

Biyernes, Hulyo 3, 2026

 1,646 total views

 1,646 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast

Read More »

Huwebes, Hulyo 2, 2026

 3,556 total views

 3,556 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng

Read More »

Miyerkules, Hulyo 1, 2026

 4,823 total views

 4,823 total views Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 5, 14-15. 21-24 Salmo 49, 7. 8-9. 10-11. 12-13. 16bk-17 Ang masunurin sa Diyos

Read More »

Martes, Hunyo 30, 2026

 5,924 total views

 5,924 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma Amos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top