Pagpuna sa mali ni PD30, pagsagip sa buhay ng mga nagkakamali

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 423 total reads

Pagsagip sa buhay ng mga nagkakamali ang pagpuna ng Simbahang Katolika sa maling polisiya ng Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa kampanya laban sa bawal na gamot at hindi ang ibagsak ito.

Ito ang reaksyon ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay na rin sa mga hindi magagandang pahayag ng Pangulo laban sa mga pumupuna sa kanyang ginagawa partikular na sa mga taong-Simbahan.

Ayon sa obispo, dapat iligtas ang mga nagkakamali mula sa kamatayang ipapataw sa kanila dahil ang lahat ay may karapatan magbago at mabuhay.

“Tungkol sa pagsasabi ng katotohanan at pagpuna ng mali, ito’y ginagawa natin hindi para sa ating sarili, ginagawa natin ‘to hindi para ibagsak ang presidente kundi para iligtas ang mga buhay ng mga tao na dapat nating sikapin na tulungan sa halip na patayin, ” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, patuloy na umaasa si Bishop Bacani na sama-samang magsasalita ang mga taga Simbahan gaya ng mga obispo laban sa nagaganap na death under investigation upang maging malakas at makapangyarihan ang mga panawagan na ang lahat ng tao ito man ay makasalanan ay may karapatang magbago at mabuhay.

“Harinawa, ako ay umaasa naman na ang mga Obispo ay sama-samang magsasalita laban dito sa Extrajudicial Killing, may mga Obispo na nagsasalita na dyan, mabuting sama-sama na magsalita ang mga Obispo.”

Sa huling datos ng Philippine National Police, sa nakaraang 6 na buwan, nasa humigit kumulang 6,200 na ang kaso ng pagpatay may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot at halos 2,000 lamang dito ang may kinalaman sa lehitimong operasyon ng pulisya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,204 total reads

 79,204 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,361 total reads

 157,361 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,809 total reads

 190,809 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,105 total reads

 226,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,461 total reads

 449,461 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,487 total reads

 298,487 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,343 total reads

 409,343 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top