Kultura ng pagpapanagot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,434 total reads

Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon.

Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation, ang Saigon Joint Stock Commercial Bank, kung saan isa rin siya sa mga may-ari. Umabot sa 12.5 bilyong dolyar (o mahigit 700 bilyong piso) ang ninakaw ni Lan sa pamamagitan ng pamemeke ng mga loan applications. Inilagak ang perang nakulimbat ng tycoon sa libu-libong ghost companies o mga kompanyang gawa-gawa lamang. Upang pagtakpan ang krimen, sinuhulan din ni Lan at ng kanyang mga kasabwat ang mga opisyal ng pamahalaan. Ito nga raw ang pinakamalaking panunuhol na naibalita sa Vietnam.

Ang kasong ito ay bahagi ng national corruption crackdown ng gobyerno roon kung saan marami nang mga opisyal ng pamahalaan at miyembro ng tinatawag na business elite ang hinabol at kinasuhan. Nagsimula ang kampanyang tinawag na “Blazing Furnace” noong 2016, at nagpapatuloy ito hanggang ngayon. Dalawang presidente at dalawang prime ministers na nga nila ang bumaba sa puwesto at daan-daang opisyal naman ang pinatawan ng parusa o ipinakulong. Sa kaso ni Lan, ang parusang kamatayan, ayon sa hukuman, ay akma raw sa tindi at lawak ng krimeng kanyang ginawa.

Kailan kaya mangyayari ang ganitong pagpapanagot sa mga tiwali sa Pilipinas?

Hindi natin sinasabing kailangang patawan din ng parusang bitay ang mga nagnanakaw. Salungat ang death penalty sa ating paninindigang sagrado ang buhay ng tao at sa paniniwalang dapat bigyan ng pagkakataon ang mga gumagawa ng mali na magsisi at maituwid ang kanilang kamalian. Ang hinahanap natin ay isang sistemang pangkatarungan kung saan tunay na napananagot ang mga gumagawa ng mali at tunay na pinahahalagahan ang tiwala ng taumbayan. 

Sa ngayon kasi, dito sa atin, namamayagpag pa ang mga makapangyarihan sa ating lipunan sa kabila ng kanilang katiwalian. Iniluluklok pa nga natin sila sa puwesto, kahit pa napatunayan na ang kanilang pagnanakaw. Pati ang kanilang mga kamag-anak na nakinabang sa katiwalian, ibinoboto pa natin at hinahayaang kumapit sa kapangyarihan sa mahabang panahon.

Kasama nilang namamayagpag ang mayayaman at maimpluwensya. Gamit ang kanilang yaman, nagiging investment na nga nila ang pagsuporta sa mga pulitikong sa kanilang tingin ay magbibigay sa kanila ng maraming pabor para sa kanilang negosyo. Kahit pa makapanira ng kalikasan o makapagpalaganap ng kulturang hindi nagpapahalaga sa dignidad ng tao, kayang-kaya nilang impluwensyahan ang mga gumagawa at nagpapatupad ng batas. 

Nakikinabang sa isa’t isa ang mga ganid na pulitiko at negosyante, habang kapwa nila pinaiikot at binobola nila ang karaniwang tao.

Sa huli, ang pagkakaroon ng kulturang pinapagot ang mga gumagawa ng mali, anuman ang kanilang antas sa buhay o posisyon sa lipunan, ay mangyayari lamang kung tayong mga mamamayan ay naniniwala sa kahalagahan nito. Bahagi ito ng pagkakasundo at pagtutulungan ng mga bumubuo ng ating lipunan na hangad ng ating Simbahan, saad nga sa Catholic social teaching na Quadragesimo Anno. Hindi ito mangyayari kung hinahayaan nating umiral ang interes ng mga tiwaling miyembro ng political at business elite. Hindi ito mangyayari kung hinahayaan nating kontrolin ang pamahalaan at ekonomiya ng mga tao at grupong ang prayoridad ay magkamit ng kapangyarihan at magkamal ng kayamanan. 

Mga Kapanalig, hindi ba natin inaasam ang isang bayang makatarungan? Hindi ba natin gusto ang isang bayang tinutulungan ang naaapi, wika nga sa Isaias 1:17, sa halip na kinakanlong ang mga mapang-abuso at tiwali? Ang hangaring magkaroon ng ganitong lipunan sana ang magtulak sa ating bumoto nang tama sa mga darating na eleksyon. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,460 total reads

 48,460 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,826 total reads

 133,826 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,561 total reads

 180,561 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,433 total reads

 228,433 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,082 total reads

 330,082 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,461 total reads

 48,461 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,827 total reads

 133,827 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,562 total reads

 180,562 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,434 total reads

 228,434 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top