Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,631 total reads

Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon.

Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng sistema ng edukasyon na magpatuloy at mag-adapt kahit pa maraming mga pagsubok na pumapalibot dito. Nangangailangan ito ng mga hakbang o measures, pati na rin equipment at imprastraktura upang epektibong maisakatuparan. Nakatutok din ito sa kalidad. Kailangan makapagbigay ang sektor ng de kalidad na edukasyon upang ang potensyal at oportunidad ng mga bata para sa mas magandang hinaharap ay hindi mako-kompromiso.

Isa sa mga halimbawa ng resilience sa education ay ang kagalingan ng mga paaralan na maging flexible sa modality ng education provision. Halimbawa, kapag tinatawag ng panahon na maging online muna ang mode of teaching, madaling makaka-shift ang mga paaralan at mga bata sa ganitong set-up. Pag kailangan naman nasa classroom ang mga bata, madali din silang makakabalik at makaka-adjust.

Ngayon ngang tag-init, maraming paaralan ang nag-sususpinde ng klase dahil sa matinding init. Sa ganitong panahon, maaaring mag-shift online ang mga klase ng mga bata, o di kaya magshift sa modules. Ang mga bata ay makapag-patuloy pa rin ng pag-aaral sa paraang akma sa panahon at pangangailangan.

Kaya lamang kapanalig, mahirap maging resilient ang sector kung kulang sa imprastraktura at kagamitan. Ayon nga sa senado noong nakaraang taon lamang, 1.8% lamang ng public schools sa bayan ang may free access sa public wifi. Maraming rural areas sa ating bayan, mahina pa ang internet connection kaya’t challenging ang online learning. Kung modules naman ang gagawing paraan, maraming mga rural na paaralan ang hirap makapag-provide nito dahil sa kakulangan sa equipment at budget.

Dito kailangan ng tulong ng mga ating paaralan, lalo na ang mga nasa malalayong lugar. Ang resilient na edukasyon ay dapat maging matibay at flexible para sa lahat, hindi lamang para sa iilan. Paalala ng Catechism of the Catholic World, ang impormasyon mula sa media, sa panahon natin ngayon ay internet at teknolohiya naman, ay dapat para sa serbisyo ng common good o kabutihan ng lahat. Wala dapat naiiwan ni isa sa atin. Ang lahat ng mamamayan ay may karapatan sa resilient education, at ang pagtiyak sa access para dito ay tungkulin nating lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,488 total reads

 48,488 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,854 total reads

 133,854 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,589 total reads

 180,589 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,461 total reads

 228,461 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,103 total reads

 330,103 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,489 total reads

 48,489 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,855 total reads

 133,855 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,590 total reads

 180,590 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,462 total reads

 228,462 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top