Pilipinas, nawalan ng moral at legal credibility na isalba ang mga Pinoy na nasa death row

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Nawawalan ng moral at legal credibility ang bansa na maisalba ang mga Pilipinong nasa death row sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang naging pahayag ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pagsusulong ng death penalty sa bansa na naging dahilan ng kabiguan na maisalba ang buhay ng Overseas Filipino Worker o OFW na si Jakatia Pawa sa Kuwait.

“Panawagan na kung saan talikuran na ang kanilang inaasam – asam na isulong ang death penalty. Sapagkat ito rin ay malaking kawalan sa atin na kung saan may nasa bingit ng kamatayan tapos dito sa Pilipinas tayo mismo ang nagdudulot ng kamatayan sa mga nasa bilanggo at napipiit wala tayong magiging moral authority, wala tayong legal authority.” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaugnay nito, nanawagan si Bishop Santos na panahon na upang ilunsad ang isang inter-agency na tututok sa kalagayan ng iba pang mga OFWs na nahaharap sa parusang kamatayan at maibalik sila ng mapayapa sa kanilang mga pamilya.

“Let us exhaust all the means for that we can free them, we can save them and we can bring them safely back home,” giit pa ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Nabatid mula sa datos ng Department of Foreign Affairs nasa 88 pa ang mga OFWs na nasa death row bagamat sinasabi ng Migrante International na mahigit sa 120 pang mga OFWs ang maaring nasa death row sakaling sila ay mahatulan na ng kamatayan.

Bagaman Muslim, nagpa – abot na rin ng pakikidalamhati si Bishop Santos sa mga naulila ni Pawa lalo na ang kaniyang dalawang anak na binigyan naman ng kaukulang scholarship program ng pamahalaan.

“Anuman ang ating religion at anuman ang ating region na pinanggalingan tayo ay isa pa rin, tayo ay Pilipino at nasa damdamin ng mga Pilipino ang magmalasakit alang – alang sa kanilang minamahal,” pakikidalamhati ni Bishop Santos.

Magugunitang hinatulan si Pawa ng parusang kamatayan matapos niya umanong mapatay ang anak na babae ng kanyang amo noong 2007 subalit itinanggi ito ng OFW at iginiit na ang kanyang amo ang pumatay matapos mahuling nakikipagtalik sa kanyang boyfriend.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,586 total reads

 73,586 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,091 total reads

 152,091 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,539 total reads

 185,539 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,836 total reads

 220,836 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,383 total reads

 444,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,243 total reads

 298,243 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,150 total reads

 409,150 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top