Trabaho sa kabila ng init

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,142 total views

Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init?

Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig.

Samantala, may mga manggagawa namang patuloy na dumadaing sa gobyerno at sa kanilang mga employers upang tulungan din sila ngayong tag-init. Ilan sa mga iminumungkahi ay ang pagpapatupad ng makatarungang oras ng pagtatrabaho at ng pamamahinga o break. Gaya ng marami sa atin, lantad na lantad sila sa panganib ng heat stroke, pagkahilo, high blood pressure, at dehydration.

Sabi nga ng International Labour Organization (o ILO), 71% ng mga manggagawa sa buong mundo (o nasa 2.4 bilyong manggagawa) ang exposed sa matinding init. Pinakaapektado ng matinding init ang mga nasa informal economy, katulad ng mga jeepney drivers at construction workers. Kaya naman, naniniwala ang ILO na kailangang suriing muli ang mga tinatawag na labor laws upang mabigyang-pansin ang proteksyon ng mga manggagawa sa mga epekto ng panahon na pinalalalâ ng climate change.

Sa isang advisory ng Department of Labor and Employment noong 2022, pinapayagang lumiban sa trabaho nang walang parusa ang mga manggagawa dahil sa extreme heat. Kaso, wala ngang parusa, wala rin namang sahod. Hindi rin ito applicable sa mga self-employed na walang choice kundi kumayod sa kabila ng init. Sa tingin ninyo, pipiliin ba ng ating mga manggagawa, lalo na ng mahihirap, ang manatili sa loob ng bahay para hindi mainitan pero wala naman silang pambili ng makakain at panggastos?

Ngayong Araw ng Paggawa o Labor  Day, pangatawanan sana ng ating gobyerno ang tema nito para sa pagdiriwang ng okasyong ito: “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama sa Pag-asenso”. Kasabay ng kaliwa’t kanang mga job fair at one-stop-shop services na isasagawa sa araw na ito, bigyang-pansin din sana ng mga kinauukulan ang daíng ng mga manggagawa tungkol sa matinding init na kanilang nararanasan at iba pang peligro sa kanilang kalusugan.

Bilang kabalikat at kasama sa pag-asenso, hindi dapat tinatrato ang mga manggagawang Pilipino bilang mga tagapag-ambag lamang sa ekonomiya ng bansa. Una sa lahat, sila ay mga taong nangangailangan ng maayos na kondisyon sa pagtatrabaho. Sa Catholic social teaching na Rerum Novarum, sinasabing dapat bigyang-pansin at isaalang-alang ng pamahalaan at ng mga negosyante ang interes ng mga manggagawa upang bumuti at guminhawa ang kanilang buhay. Hindi naman kawalan sa ating lahat ang pagtulong sa kanila, bilang inaasahan din natin sila sa ating mga pangangailangan. Bubuti at gagaan ang ating pamumuhay kung maayos ang kalagayan ng mga manggagawa habang kumakayod.

Mga Kapanalig, katulad din ito ng sinasabi sa Mateo 10:10: “… ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay.” Kasama sa mga dapat na tinatanggap nila ang maginhawa at makataong kondisyon sa kanilang trabaho, gaya ngayong matindi ang init ng panahon. Kung kailangang i-adjust ang oras ng pagtatrabaho, i-adjust natin. Kung may magkasakit dahil sa init ng panahon, bigyan sila ng agarang lunas. Kung mainit ang lugar ng kanilang hanapbuhay, siguraduhing may sapat na hangin at maiinom na tubig ang mga manggagawa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 71 total views

 71 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 28,635 total views

 28,635 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 78,649 total views

 78,649 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 74,516 total views

 74,516 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 110,111 total views

 110,111 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 72 total views

 72 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 28,636 total views

 28,636 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 78,650 total views

 78,650 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 74,517 total views

 74,517 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »
Scroll to Top