May kapansanang mga bilanggo, bigyan ng clemency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total reads

Hiniling ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na isama rin ang mga baldado o may kapansanan na mga bilanggo sa nakatakdang paggawad ng clemency at pagpapalaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakapiit sa national penitentiary.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, noon pa nila ito ipinanawagan sa Pangulo bilang katugunan na rin sa humanitarian obligation sa mga kaawa – awa at nagdurusang bilanggo.

“Matagal na nating inaantay iyan at dapat ginawa na noon pa iyan for humanitarian reasons. At hindi lang yung 80 years old pataas ngunit yung mga baldado nang bilanggo ay dapat palayain na. Makauwi na sa kanilang pamilya at ganundin ang mga bilangguan ay ma-decongest.” Giit ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kinilala at ipinagpasalamat naman ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang hakbanging ito ng Pangulong Duterte lalo’t pagpapakita ito ng pagmamalasakit sa mga matagal ng nakapiit at nakapagsisi na sa kanilang nagawang kasalanan.

“Kung ito ay matutupad tayo ay nagpapasalamat sa ating mahal na pangulo at ating binibigyang pagpapahalaga, pagpaparangal ang kaniyang gagawing pagpapalaya ng mga bilanggo. Bilanggo na kung saan lalo na yung matatanda na at matagal ng naghirap, nagpakasakit sa bilangguan. At kung ito ay matutupad maraming, maraming salamat sa ating mahal na pangulo.” bahagi ng pahayag ng Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Inaasahan namang sa Lunes lalagdaan ni Pangulong Duterte ang kautusan para sa pagpapalaya ng 127 matatanda at may sakit na bilanggo mula sa New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women na nasa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Corrections.

Samantala, ang rekomendasyong ito ng Department of Justice ay bilang pagsunod na rin sa pangako ng Pangulo na pagpapalaya sa mga inmate na may edad 80-anyos pataas at mga bilanggong nakapagsilbi na ng nasa 40 taong sintensiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 74,219 total reads

 74,219 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,629 total reads

 152,629 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,077 total reads

 186,077 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,374 total reads

 221,374 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,903 total reads

 444,903 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,278 total reads

 298,278 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,183 total reads

 409,183 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top