Dating pangulong Duterte, dahilan ng pamamayagpag ng POGO sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,471 total reads

Isinisi ni Senator Risa Hontiveros ang pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pamamagitan ng defacto policy ni Duterte at ng mga kaalyado nito ay nakapasok ang POGO sa bansa na nagdulot ng maraming problema sa Pilipinas.

“Opo. Si Duterte po ang nag-defacto policy ng open doors sa mga POGO. Siya at ang kaniyang mga kasabwat. Tapos nagbunga ng napakaraming “ills” sa ating lipunan at hanggang ngayon, ito nga naharap tayo sa maraming masasamang epekto nito sa harap ng ating lipunan at ng kasalukuyang gobyerno hanggang ngayon,” ayon kay Hontiveros.

Ipinagtataka rin ng mambabatas kung bakit pinayagan ang POGO operation sa Pilipinas, gayung ilegal ito sa China, at naka-ban na rin sa Cambodia-makaraan ang pansamantalang pagpapatupad.

“Bakit kung ilegal at krimen sa ibang bansa bakit pinayagan sa atin,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi ni Hontiveros na sa apat na taong pag-iimbestiga ng senado sa mga POGO related issues ay nadiskubre ang mga isyu kaugnay sa human trafficking, money laundering at pagkakanlong sa mga kriminal na ngayon ay tinitingnan na rin ang isyu ng espionage, surveillance at hacking.

Sa nakalipas na imbestigasyon ng senado kay Bamban Mayor Alice Guo, hindi pa rin malinaw ang tunay na pagkakakilanlan ng alkalde, maging ang kanyang nationality, gayundin ang pagkaka-ugnay sa mga kriminal at hindi maipaliwanag na kayamanan at mga pag-aari.

Pangunahing layunin ng imbestigasyon in-aid of legislation kaugnay sa POGO operation na nagagamit bilang ‘cover-up’ sa iba’t ibang krimen, na naglalagay sa panganib sa bansa sa national security at transnational crime.

Sa tala ng PAGCOR, mayroong kabuuang 200 license to operate ang ibinigay sa POGO, 190 sa mga ito ay sinuspinde dahil sa mga paglabag, subalit may ilan ding binigyan ng provisional license.

Una na ring tinalakay sa Senado ang pagdagsa ng mga mag-aaral mula sa China partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Ang mga pangyayari ay kasabay na rin ng patuloy na paniniil at pagtataboy ng Chinese Coast Guard at Chinese militia sa mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea-ang teritoryong bahagi ng pagmamay-ari ng Pilipinas ayon na rin sa UNCLOS at 2016 Arbitral Award.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 33,129 total reads

 33,129 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 183,726 total reads

 183,726 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 218,400 total reads

 218,400 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 234,300 total reads

 234,300 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 270,786 total reads

 270,786 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 278,320 total reads

 278,320 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top