Tagbilaran Cathedral, kinilala ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,888 total reads

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Diocesan Shrine and Cathedral-Parish of Saint Joseph the Worker sa Tagbilaran, Bohol o mas kilala bilang Tagbilaran Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.
Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa harapang bahagi ng Tagbilaran Cathedral.

Sa naganap na paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ay tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines executive director Carminda Arevalo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Katedral ng Tagbilaran sa kasaysayan ng bansa at maging ng pananampalataya sa lalawigan.

Ipinaliwanag ni Arevalo na ang pagkilala ng NHCP sa ambag ng Tagbilaran Cathedral sa mayamang kasaysayan ng bansa ay bahagi ng isinasagawang pagkikila ng komisyon sa halos 100 mga lugar sa buong bansa na mayroong mahalagang ambag sa tinatamasang kalayaan ng Pilipinas bilang tugon sa idineklara ng pamahalaan na 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood mula 2023 hanggang 2026.

Inihayag pa ni Arevalo na ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Tagbilaran Cathedral sa kasaysayan ng bansa ay isa ring hamon para sa mga Boholeno upang ganap na maging tagapagmana ng dakilang kasaysayan.

Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Tagbilaran Cathedral ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng katedral bilang saksi sa pananampalataya at pagkabansa ng Pilipinas.

Naganap ang unveiling ng national historical marker sa Tagbilaran Cathedral noong ika-30 ng Mayo, 2024 na personal din sinaksihan ng mga opisyal ng NHCP at Diyosesis ng Tagbilaran kabilang na sina Monsignor Efren Bongay, Parish Priest and Rector of St. Joseph the Worker Cathedral-Shrine at Father Milan “Ted” Torralba, chairperson ng Diocese of Tagbilaran Commission for the Cultural Heritage of the Church kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Tagbilaran Mayor Jane Censoria Cajes- Yap, Bohol Provincial Vice Governor Dr. Dionisio Victor A. Balite at National Museum Director for the Visayas Atty. Ma. Cecilia U. Tirol.

 

Photo Source National Historical Commission of the Philippines (NHCP):

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 31,495 total reads

 31,495 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 181,651 total reads

 181,651 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 216,325 total reads

 216,325 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 232,225 total reads

 232,225 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 268,711 total reads

 268,711 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 276,365 total reads

 276,365 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 31,496 total reads

 31,496 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top