Patatagin ang Pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,679 total views

Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino.

Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara sa 9% lamang ng 2015. Ang live-in kapanalig, ay tinatawag din nating common-law marriages. Ang National Capital Region ang may pinakamaraming nag lilive-in, habang ang Bangsamoro Autonomous Region ang may pinakamaliit na proporsyon ng mga magka-live-in.

Walang halong panghuhusga, kapanalig, ang ating diskusyon dito. Nais lamang natin na patatagin ang pagsasama ng mga magsing-irog. Ang mga live-in arrangements, magkasama man ang pamilya at masaya, hindi pa rin nabibigyan ng sapat na proteksyon mula sa batas at miski sa lipunan. Marami ring diskriminasyon ang umiiral, lalo sa nararanasan ng mga kababaihan, separada man o hindi, at mga single parents, pati na rin sa common-law marriages.

Kahit pa dehado sila, marami na ang nasa ganitong set-up, lalo na sa mga kabataan. Ayon nga sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS), 12% ng ating mga kabataan ay nagli-live in na. Siguro mainam na tingnan natin kung bakit nangyayari ito. May naunang YAFS (2013) ang nagsabi noon na economic concerns ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nagpapakasal ang mga nagli-live-in. Mahal kasi ang magpakasal – mula seremonya, damit, pati na rin pagkuha ng marriage license.

Maari rin natin tingnan kung may koneksyon din ba ang ang absence ng mga magulang habang lumalaki ang mga bata. Ayon sa YAFS5 naman, 67% na lamang ng mga kabataan ngayon na may edad 15-19 ang napapalaki ng kanilang nanay at tatay. Malaking pagbaba o decline ito mula sa datos ng 1994 hanggang 2013, kung saan mga 83% ng kabataan ay kasama ang kanilang nanay at tatay habang sila ay lumalaki. Ngayon, mga 18% nanay lang ang kasama, at 4%, tatay lang. Mga 7% naman, mga lolo at lola ang nagpalaki. Ang pangunahing rason kung bakit nagiging absent ang isa o dalawang magulang, ay trabaho. Kailangang nilang magtrabaho sa malayong lugar upang buhayin ang kanilang pamilya. Nakita sa regional studies ng 2013 YAFS na may kaugnayan ang absence ng magulang sa pagtigil sa pag-aaral ng bata, teenage pregnancy, pati na ang cohabitation.

Sabi nga sa Familiaris Consortio, sa mga developing countries, “families often lack both the means necessary for survival, such as food, work, housing and medicine, and the most elementary freedoms.” Kapanalig, nakikita sa mga pag-aaral na ang mga hamon sa mga pamilyang Pilipino ngayon. Siguro bago tayo maghanap ng paraan upang tibagin ang pamilya, maghanap din tayo ng paraan kung paano natin pagtitibayin ito, at gawing kanlungan ng pagmamahal, suporta, at pag-asa. Paalala pa rin sa Familiaris Consortio, the image of God shines in all human beings without exception. Bilang Kristiyanong Lipunan, dapat natin isulong ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 20,435 total views

 20,435 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,548 total views

 90,548 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 165,162 total views

 165,162 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,240 total views

 245,240 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 287,558 total views

 287,558 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 20,436 total views

 20,436 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,549 total views

 90,549 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 165,163 total views

 165,163 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,241 total views

 245,241 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top