Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,135 total reads

12th Sunday of Ordinary time Cycle B
Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41

Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero siguro napakalakas ng unos na dumating sa kanila na sila mismo ay natakot. Akala nila lulubog na sila. Lubha silang natatakot noong ginising nila si Jesus. Hindi naman nila inaasahan na may magagawa si Jesus sa unos. Baka ginising nila si Jesus sa pag-asang papalakasin niya ang kanilang loob o tuturuan sila kung ano ang gawin nila upang sila ay maligtas. Kaya “guro” ang tawag nila sa kanya. Kilala nila siya na magaling na tagapagturo. Baka naman may maituturo si Jesus paano hindi sila malubog.

Pero iba ang ginawa ni Jesus. Pinatigil niya ang bagyo. Inutusan ang hangin at ang alon. At sumunod naman ang mga ito. Nagbago na ang pagkatakot ng mga alagad. Hindi na sila natakot sa unos. Natakot na sila kay Jesus. Nagkaisa sila sa pagtatanong: “Sino kaya ito na sinusunod ng hangin at ng alon?” Kulang pa ang pagkakilala nila kay Jesus. Hindi lang siya guro at tagapagpagaling. May kapangyarihan din siya sa bagyo. Kaya nga ang puna ni Jesus sa kanila ay: “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Kulang ang pananalig nila kay Jesus kasi kulang ang kanilang pagkakilala sa kanya. May kapangyarihan siya tulad ng Diyos. Ngayon lang nila naranasan ito.

Ang Diyos lang ang may kapangyarihan sa dagat. Ang mga Hudyo sa panahon ni Jesus ay mga pastol at mga magsasaka. Kaunti lang sa kanila ang may karanasan sa dagat. Iyon lamang ang nangingisda sa tabi ng lawa ng Tiberias ang may karanasan sa dagat kasi iyan ang hanap buhay nila pero iyon ay lawa at hindi dagat. Kaya takot ang karaniwang mga Hudyo sa dagat. Kaya para sa kanila ang dagat ay masama. Doon nakatira ang Leviathan, ang monster ng dagat na malakas at makapangyarihan.

Narinig natin sa unang pagbasa sa aklat ni Job ang talumpati ng Diyos. Ilang beses na hinahamon ni Job na magsalita ang Diyos sa kanya at sagutin ang paratang niya bakit siya ay ganoon na lang naghihirap kahit na wala naman siyang kasalanan. Sa wakas nagsalita ang Diyos mula sa isang malakas na bagyo. Ang bagyo ay hindi ang absence ng Diyos. Nandoon siya sa gitna ng bagyo. Sinabi ng Diyos na siya ang may control sa dagat. Sabi niya: “Ang tubig ay nilagyan ko ng hangganan, upang ito’y manatili sa likod ng mga harang. Sinabi kong sila’y hanggan doon na lang, huwag na lalampas ang along naglalakihan.” Nakikita natin ito sa dalampasigan. Sigisigi ang pagtatangka ng alon na sampahan ang lupa pero napipigilan sila. May hangganan ang kanilang lakas. Ang Diyos ang naglagay niyan. Tulad ng may hangganan ang tubig ng dagat, may hangganan din ang kasamaan.

Pinakita ni Jesus na siya ay iyong Diyos na dakila na may control sa dagat at pati sa bagyo. Sumusunod ang hangin at ang mga alon sa utos niya. Napapatahimik niya ang mga ito. Kaya habang nagbabagyo at pinaglalaruan ng mga alon ang kanilang bangka, mahimbing si Jesus na natutulog, natutulog pa sa unan! Walang magagawa ang alon sa kanya; malakas ang kanyang tiwala, samantalang ang mga alagad niya ay takot na takot na lalamunin sila ng mga alon.

Ang pananalig ay nagbibigay sa atin ng katatagan. Kaya huwag tayong mabalisa. Nasa mabuting kamay tayo; nasa kamay tayo ng Diyos na mabuti, ng Diyos na nagmamahal sa atin at ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Siguraduhin lang natin na nasa ating piling siya, at tumawag tayo sa kanya, hindi na parang wala siyang magawa o hindi siya nakikialam. Kahit na parang natutulog siya, hindi niya tayo pababayaan.

Madalas din tayo nakakaranas ng mga bagyo sa ating buhay. Ito ay mga kalagayang mapeligro at parang hindi tayo makakaalpas. Nababalot tayo ng dilim at parang lulubog na tayo. Para sa iba ang bagyo ay ang kanilang kalusugan. Parang walang lunas na ang kalagayan, palala nang palala sila. Minsan ang bagyo ay ang kanilang hanap buhay. Mahirap ang hanap buhay at hindi na nakakaahon sa utang. Baka para sa iba ang bagyo ay ang kaugnayan sa mga malapit sa kanila sa buhay. Palaging nag-aaway sa pamilya at may nananakit pa. Maaaring iyan din ay ang bisyo. Nalulong sa bisyo at ayaw o hindi na nakaahon dito at naaapektuhan na ang lahat sa pamilya. Sa ganitong kalagayan, tumawag tayo sa Diyos. May magagawa siya. Pero huwag nating asahan na ang gagawin niya ay ang gusto nating gawin niya. Tandaan natin siya ang Panginoon at hindi tayo. Siya ang masusunod. Pero alam natin na may ginagawa siya kasi mahal niya tayo. Kaya manalig tayo hindi lang sa kanyang kapangyarihan. Manalig din tayo sa kanyang pagmamahal at hindi niya tayo pababayaan.

Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, magbago sana ang ating pagtingin, pati na ang ating pagtingin kay Jesus; hindi na ayon sa sukatan ng tao. Palalimin natin ang ating pagkilala kay Jesus. Noon ang pagkilala ng mga alagad kay Jesus ay bilang isang magaling na guro lamang. Hindi pa nila siya nakilala na may kapangyarihan sa dagat tulad ng Diyos. Hindi nila siya itinuturing na Diyos at na Diyos na mapagmahal. Kaya kailangan din mag-mature na ang ating pagkilala kay Jesus. Kaya niyang magligtas sa atin sa anumang bagyo sa buhay. Siguraduhin natin na nandiyan siya sa atin at tumawag tayo sa kanya. Kikilos siya dahil sa mahal niya tayo at makapangyarihan siya. Pero kikilos siya ayon sa kanyang paraan at ayon sa kanyang timing. Mas mabuti ito kaysa inaasahan natin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,347 total reads

 28,347 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,308 total reads

 65,308 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,519 total reads

 83,519 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,847 total reads

 167,847 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,929 total reads

 203,929 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 30, 2026

 3,001 total reads

 3,001 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »

Homily August 23, 2026

 8,724 total reads

 8,724 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 15,001 total reads

 15,001 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 23,330 total reads

 23,330 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »
Scroll to Top