Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,666 total views

Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan?

Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman at lawak ng ating kapatiran bilang isang lahi. Pero bakit tila hindi natin binibigyang pugay ang kanilang ambag sa lipunan? Bakit marami sa kanila ang naghihirap at naapi?

Tinatayang may mga 110 na grupo ng IPs sa ating bansa, na binubuo ng mga 14 hanggang 17 milyong Pilipino. Malaking porsyento nito ay nasa Mindanao (61 percent) at mga 33 percent naman ay nasa Northern Luzon. Ang mga IPs natin, kapanalig, ay hirap – kasama sila sa mga extreme poor sa buong mundo. Kabilang dito ang mga Igorot sa Cordillera, mga Lumad sa Mindanao, mga Aeta sa Luzon, at iba pa. Ang tagapag-ingat ng ating kasaysayan at kultura, ang mga IPs, ay bugbog sa hirap, kapanalig.

Ang kakulangan sa reliable na datos ukol sa ating mga IPs ay nagpapalala ng kanilang kondisyon. Marami sa kanila ay hindi nabibilang o nalilista sa mga barangay kaya’t hindi sila naaabot ng mga batayang serbisyo gaya ng health o education. Marami pa nga sa kanila, pinapalayas sa kanilang mga kinagisnang tahanan. Wala silang legal na proteksyon, wala silang matakbuhan.

Dahil salat sa edukasyon, ni hindi nila alam ang kanilang mga karapatan, at hindi sila makakuha ng trabaho na mag-aangat sa kanila sa kahirapan. Pero kahit ganito, nagsisilbi pa ring inspirasyon ang marami sa kanila. Ang kanilang mga katutubong kaalaman at kasanayan sa panggagamot, sa agrikultura, at sining ay nagpapayaman pa lalo ng ating modernong agham at teknolohiya. Ang kanilang mga tradisyonal na pamamaraan sa agrikultura ay nagsisilbi ring inspirasyon para sa makabagong paraan ng sustainable farming.

Kapanalig, dinggin sana natin ang panawagan ng mga IPs sa ating bayan. Patuloy silang humaharap sa iba’t ibang hamon gaya ng pagkawala ng kanilang lupain dahil sa malawakang pagmimina, pagtotroso, at iba pang malakihang proyekto na nagdudulot ng matinding epekto sa kanilang kabuhayan at kultura. Ang diskriminasyon at marginalisasyon ay isa ring malaking suliranin para sa IPs. Dahil dito, maraming katutubo ang walang sapat na akses sa edukasyon, kalusugan, at iba pang batayang serbisyo, na nagtutulak sa kanila manatiling nasa laylayan ng lipunan.

Paalala ng Gaudium et Spes: anumang uri ng panlipunan o kultural na diskriminasyon sa kasarian, lahi, kulay, kalagayang panlipunan, wika o relihiyon, ay dapat puksain. Hindi ito naaayon sa disenyo ng Diyos. Susog pa ng Octogesima Adveniens: Within a country which belongs to each one, all should be equal before the law, find equal admittance to economic, cultural, civic, and social life and benefit from a fair sharing of the nation’s riches.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 22,286 total views

 22,286 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 89,774 total views

 89,774 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 110,839 total views

 110,839 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 133,393 total views

 133,393 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 169,409 total views

 169,409 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

APAT NA DEKADA

 22,287 total views

 22,287 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 89,775 total views

 89,775 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 110,840 total views

 110,840 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 133,394 total views

 133,394 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »
Scroll to Top