Jueteng lalong mamamayagpag sa pagdami ng STL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total reads

Nakakahiya na ang budget na gagamitin ng pamahalaan para sa operasyon ng sugal na pupuksa sa jueteng ay mula din sa sugal.

Ito ang naging pahayag ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa inaasahang makokolektang P27 bilyong kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at gagamitin upang palawigin pa ang operasyon ng mga small town lottery (STL) sa bansa.

Ayon kay Archbishop Cruz, lingid pa sa kaalaman ng pamahalaan na ginagamit rin ang mga STL upang palaganapin ang jueteng at sakaling gawing nationwide ang STL ay tiyak na darami rin ang mga illegal gambling sa bansa.

“Naku naman hindi ba alam ng pamahalaan natin na yung mismong STL ay ginagamit na rin sa jueteng na ang mga kubrador ay naka – STL ID’s sa kanilang dibdib pero ang itinitinda ay jueteng. Mangyayari niyan habang dinamihan ang STL games lalong lalaganap rin ang jueteng games.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi ng founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng na kailanman ay mahirap pagkatiwalaan ang mga taong nabubuhay sa sugal at nagiging “Philippine Amusing Gambling Corporation” ang bansa dahil mahigit 35 malalaking korporasyon ng pasugalan ang nandirito na sa Pilipinas.

“Napakahirap pagkatiwalaan ang taong nabubuhay sa sugal. Nahihiya ako kapag sinasabing Philippine Amusement and Gaming Corporation, my goodness that is hypocrisy! Philippine Amusement and Gaming Corporation hindi dapat Philippine Amusing Gambling Corporation.” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Samantala sa kasalukuyan mayroon ng 56 na STL sa buong bansa mula sa dating 18 lamang.

Nauna na ring ipinanawagan ni Archbishop Cruz kay PCSO General Manager Alexander Balutan magbitiw na sakaling hindi nito kayang wakasan ang jueteng sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/pcso-officials-mag-resign-na/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,539 total reads

 73,539 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,044 total reads

 152,044 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,492 total reads

 185,492 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,789 total reads

 220,789 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,338 total reads

 444,338 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,239 total reads

 298,239 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,146 total reads

 409,146 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top