Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,619 total views

Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025. 

Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng Davao din. “Confirmed ‘yan,” bida ni VP Sara. Ang kanyang nanay daw ang nagsabi sa kanya. Ang bise presidente naman, planong bumalik sa pagiging mayor ng siyudad na pinamumunuan na ng kanilang pamilya sa loob ng napakahabang panahon. 

Talaga namang family business ang tingin ng mga pulitiko sa pagpasok sa gobyerno. Malayo ito sa ipinaalala ni Pope Francis sa pagdiriwang ng World Day of Peace noong 2019. Aniya, “Politics is an essential means of building human community and institutions, but when political life is not seen as a form of service to society as a whole, it can become a means of oppression, marginalization and even destruction.” Ang tuon ng pulitika, ayon sa Santo Papa, ay ang bumuo ng pamayanan at institusyon para sa kapakanan ng tao. Kung hindi tao ang prayoridad ng pulitika kundi ang makikitid na interes ng mga nasa larangang ito, nauuwi ito sa pang-aapi, pagsasantabi, at pagkawasak ng tao. 

Hindi na bago ang mga tinatawag na “kamag-anak, incorprated” sa pulitika sa ating bansa. Mula sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno hanggang sa mga nasa barangay, halos magkakamag-anak ang mga namumuno. Mag-ama, mag-ina, mag-asawa, magkakapatid, magpipinsan—lahat mula sa isang pamilya o angkan. Kilala sila sa tawag na political dynasty. Sa simpleng depinisyon, ang isang opisyal ng gobyerno ay miyembro ng political dynasty kung may kamag-anak siyang nahalal din sa puwesto. Ayon sa pagmo-monitor ng Ateneo School of Government, 67% ng mga kongresista bago ang halalan noong 2022 ay mula sa political dynasty. Nasa 80% naman sa mga gobernador at 53% sa mga alkalde ng bayan. 

Fat o mataba ang isang political dynasty kung sabay-sabay na nakaupo sa puwesto ang mga magkakamag-anak. Marami ang mga ganito ngayon. Huwag na tayong lumayo: si Pangulong BBM, may kapatid na senador at may anak at pinsan na congressman. Sa pamilya naman ni VP Sara, nasa pulitika rin ang kanyang mga kapatid. Maaari itong mas tumaba o maging fat pa kung tatakbo nga sa pagkasenador at manalo ang kanyang ama at mga kapatid.

Laganap ang mga political dynasties dahil sila ang ating ibinoboto. Maraming dahilan kung bakit. Siguro dahil sila ang nalalapitan ng mga tao sa panahon ng pangangailangan. Ang pagboto sa kanila ay paraan ng pagtanaw ng utang na loob. O baka dahil sila ang pamilyar sa mga tao. Pero may mga pagkakataon din kasing wala nang ibang pagpipiliian ang mga tao tuwing eleksyon. Matatalo lamang kasi ang sinumang magtatangkang tumabko laban sa mga miyembro ng kilalang dinastiya sa isang lugar. Sa huli, talaga yatang bihirang nakabatay sa plataporma at track record ang pagpili ng maraming botante.

Hindi nakikita at lubos na nauunawaan ng marami sa ating may hindi magagandang epekto ang pamamayagpag ng mga political dynasties. Ayon pa rin sa Ateneo School of Government, may koneksyon ang pamumuno ng mga political dynasties sa mas mabagal na pag-unlad ng isang lugar, paglala ng katiwalian, at paghina ng demokrasya. Ang mga epektong ito ang pilit na itinatago ng mga pamilyang matindi ang kapit sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbulag sa mga tao gamit ang mabubuti raw nilang ginagawa.

Mga Kapanalig, sabi nga Marcos 9:35, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Gaano ito katotoo sa mga kasapi ng “kamag-anak, inc.”?

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 37,246 total views

 37,246 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 43,375 total views

 43,375 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,517 total views

 73,517 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 93,298 total views

 93,298 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 112,589 total views

 112,589 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 37,247 total views

 37,247 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 43,376 total views

 43,376 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,518 total views

 73,518 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 93,299 total views

 93,299 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top