Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,691 total reads

Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba na ngayon.

Maraming Pilipino ngayon ang pinipiling bumalik o lumipat na sa mga probinsya. Iba iba ang dahilan o salik nito, kasama na ng paghahanap ng mas magandang kalidad ng buhay, mas mababang gastos, at ang pagnanais na bumalik sa mga pinagmulan at simpleng buhay. Ang dami rin kasing hamon sa city life.

Ngayon, kahit may trabaho ka sa lungsod, kulang pa rin ang kita. Malaki ang gastos at pamumuhay sa lungsod. At para makuha mo pa ang gatiting na pang-gastos na ito, napalaking paghihirap pa ang pagdadaaanan mo. Makikibaka ka sa araw araw na traffic, makikipag-unahan ka sa public transport, at magsusumamo na wag sana bumaha o maging sobrang mainit.

Sa probinsya, mas mababa ang mga gastusin, kaya’t mas nagiging abot-kaya ang pamumuhay. Mas maayos pa ang kalidad ng buhay. Bawas ang trapiko sa probinsya, kapanalig. Malapit din ang mga sariwang pamilihan. Pati antas ng polusyon mababa – mas malinis ang hangin, at mas malaki ang lugar at luntiang espasyo. Mas nakakahinga ang tao. Mas bawas ang stress. At dahil mas mabagal ang pace ng buhay dito, mas maraming oras para sa pamilya at komunidad.

Maliban sa paghahangad ng mas tahimik at malinis na kapaligiran, mas mura din ang halaga ng lupa at bahay sa probinsya. Mas abot kaya bumili dito ng property, at abot kaya din ang umupa. Sa mga probinsya, may opsyon ka rin makakuha ng property hindi lamang para pagtayuan ng bahay, kundi para gamitin sa pagsasaka o ibang economic activity.

Ang pag-usbong ng remote work at online na edukasyon ay nagbukas din ng posibilidad para sa maraming tao na magtrabaho at mag-aral kahit saan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga tao na manirahan sa probinsya habang nagtatrabaho o nag-aaral.

Maraming magandang epekto ang pagbabagong ito. Ang paglipat ng mga tao sa probinsya ay nagdudulot ng pag-unlad ng lokal na ekonomiya. Nadadagdagan ang pangangailangan para sa mga serbisyo at produkto, na nagiging sanhi ng paglago ng mga LGUs. Ang pagdami ng mga bagong residente ay nagdudulot din ng pagbabago sa demograpiya ng mga probinsya. Ito ay maaaring magdala ng mga bagong kultura, sigla, at kaalaman na makatutulong sa pag-unlad ng komunidad.

Ang tamang pagpaplano at pakikipagtulungan ng pamahalaan at komunidad ay makatutulong upang masiguro na ang migrasyon ay magiging positibo para sa lahat. Malaking hamon ito sa ating mga LGUs na sana’t matapang at maayos nilang matugunan. Ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay matagal ng sumusuporta sa prinsipiyo ng subsidiarity, na sumusuporta sa kakayayahan at kagalingan ng mga lokal na gobyerno. Ayon nga sa Centessimus Annus, hindi dapat agawan o pangunahan ang mga komunidad sa kanilang responsbilidad sa lipunan. Sa halip, sila ay dapat tulungan sa kanilang gawain para sa kabutihan ng balana.

Eto na ang panahon para mas lalong manguna at kumilos ang LGUs. Ang local migration ay mananatiling positibo kung ang lokal na pamahalaan, ay sabay ding maghahanda, mag-iimprove, at magpapabuti ng kalidad ng buhay sa mga probinsiya. Ang maayos na city planning, ang pagsabay na pagkumpuni at pagtataguyod ng mga kaugnay na imprastraktura na sasabay sa migrasyon ng tao ay napakahalaga. Exciting times ahead, kapanalig, at dasal natin ang tagumpay ng mga LGUs.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 48,317 total reads

 48,317 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 97,941 total reads

 97,941 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 145,812 total reads

 145,812 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 249,761 total reads

 249,761 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 333,424 total reads

 333,424 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 48,318 total reads

 48,318 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 97,942 total reads

 97,942 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 145,813 total reads

 145,813 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top