MARTES, HULYO 23, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,614 total views

Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Brigida, namanata sa Diyos

Mikas 7, 14-15. 18-20
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Mateo 12, 46-50

Tuesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Bridget of Sweden, Religious (White)

UNANG PAGBASA
Mikas 7, 14-15. 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad.

Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan.

Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ikaw, O Poon, naging mapagbigay sa iyong bayan,
pinasagana mo’t muling pinaunlad ang bansang Israel.
Yaong kasamaan ng mga anak mo’y nilimot mong tunay,
pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan.
Ang taglay mong poot sa ginawa nila’y iyo nang inalis,
tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Kaya naman, Poon, ibalik mo sana ang iyong paglingap,
ang pagkamuhi mong aming nadarama’y limutin nang ganap.
Ang pagkagalit mo at poot sa ami’y wala na bang hanggan?
Di na ba lulubag, di na matatapos ang galit mong iyan?

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ibangon mo kami, sana’y ibalik mo ang nawalang lakas,
at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.
Kaya ngayon, Poon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Natitipon bilang isang komunidad, humingi tayo sa Diyos Ama para sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, sa ngalan ng iyong Anak, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tunay na pamilya, na may pananalig sa kalooban ng Ama at sa mga turo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y huwag magpasa ng mga batas na labag sa ating pananampalataya at moralidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya nawa’y maging tunay na magkakapatid sa turing sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ayon sa kalooban ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y pakitaan natin ng pagkalinga sa anumang paraan upang mapagaan ang kanilang dinadala at matulungan silang patuloy na magtiwala sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, gawin mo kaming mga tapat na anak mo na masunurin sa iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,360 total views

 28,360 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 102,974 total views

 102,974 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,053 total views

 183,053 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,192 total views

 226,192 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 225,573 total views

 225,573 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 18, 2026

 277 total views

 277 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 1,819 total views

 1,819 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 3,359 total views

 3,359 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 4,748 total views

 4,748 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 5,427 total views

 5,427 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top