Gobyerno, hinimok na maging transparent sa paggastos sa pera ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 454 total reads

Pinaboran ng dating CBCP – president at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang pagpapatayo ng common station ng MRT at LRT kung ito naman ay pakikinabangan ng publiko.

Ayon kay Archbishop Cruz, sumasang – ayon siya rito ngunit dapat ay maging transparent ang paggasta ng kaban ng bayan lalo’t kabilang sa proyektong ito ang ilang mga negosyante.

Iginiit pa ni Archbishop Cruz na matagal nang nakabinbin ang naturang proyekto at marami na rin ang sakripisyo ang nalikha nito sa mga commuter tulad ng mahabang paglalakad makatuntong lamang sa kabilang istasyon ng tren.

“Lahat ng makakatulong sa atin sa traffic at sa ating pagsakay, pagpunta ng opisina, pagpunta ng eskwelahan, lahat iyan dapat asikasuhin at paunlarin matagal na iyan. Salamat naman kung mabuti ang hangarin nila at mabuti naman ang bidding process at sana hindi hahaluan iyan ng kasalbaihan. Okay iyan lalo na ang MRT kasama ang LRT dahil mass transport, transit system iyan kailangan natin iyan.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Naunang sinabi ni Buhay Rep. Lito Atienza na malinaw na win – win solution ang nanaig sa common station sa mga negosyante pero talo dito ang mga commuters.

Habang iginiit naman ni House Metro Manila Development Committee chairman Winston Castellon na hindi paborable ang common station at mas dapat itong tawagin na uncommon station.

Nauna na ring ipinanawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ayusin ang mass transport system sa bansa na magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at pakikibangan naman ng 800,000 commuters.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 35,429 total reads

 35,429 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 73,237 total reads

 73,237 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 108,536 total reads

 108,536 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 334,806 total reads

 334,806 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 225,977 total reads

 225,977 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,521 total reads

 293,521 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,166 total reads

 406,166 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top