Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,645 total reads

Ang pag-upo daw ngayon ay the new smoking.

Ang ating lifestyle ngayon kapanalig, laging naka-upo. Dahil ang trabaho natin ay kadalasan nakaharap sa computer, ang matagal na pag-upo sa harap nito ay iniisip natin ay produktibo – marami tayong natatapos na trabaho. Ang hindi natin nakikita, sa walong oras o mahigit nating pag-upo, ang dami nating naiipon na banta sa ating kalusugan.

Ang matagal na pag-upo ay hindi maganda para sa ating puso at cardiovascular system.  May mga pag-aaral na nagsasabi na bumabagal ang blood flow kapag lagi tayong naka-upo, na maaaring  magdulot ng heart disease. Maaari rin magdulot ito blood clots. Nakakataba rin ang matagal na pag-upo at nakaka-apekto sa kapabilidad ng ating katawan na iproseso ang taba.

Sa ating bansa ngayon kung saan marami ang nagtatrabaho sa mga BPOs at marami ang nagtatrabaho bilang mga virtual assistants at freelancers, ang matagal na pag-upo, kasama pa ang unhealthy lifestyles gaya ng pagpupuyat, pagkain ng junk foods, pag-inom ng mga energy drinks ay kritikal na isyu na dapat bantayan.

Marami sa mga BPO at online workers natin, tuloy tuloy ang trabaho at puyat. Maliban sa overtime, marami sa kanila, hindi lang iisa ang kontrata at boss, kaya mahigit pa sa walong oras ang trabaho. Ginagawa nila ito, syempre para maitaas ang income nila, na kailangan lalo na sa hirap ng buhay ngayon. May pag-aaral nga na nagsasabi na 70% to 80% ng mga Filipinos na nagtatrabaho sa mga contact centers ay nasa graveyard shift habang maraming mga home-based online workers ay mas gusto na graveyard shift din magtrabaho.

Isa ito sa mga aspeto ng online work na hindi nabibigyan pansin ng mga kumpanya pati ng pamahalaan. Walang mga programa para sa healthy lifestyle ng mga online workers, lalo na para sa mga home-based.  Wala silang mga health benefits sakali sila’y magkasakit, kaya’t ang kanilang kikitain sa kakapuyat ay maaaring mawala din sakaling sila ay magkasakit. Sana man lang, may mga outreach programs para dito upang maging ligtas at sustainable ang ganitong trabaho para sa ating mga manggagawa.

Kapanalig, hindi natin dapat isampa sa balikat ng manggagawa ang mga health issues na nakaka-apekto sa malaking porsyento ng ating mga manggagawa. Hindi natin dapat sila hayaan na nag-iisa, kulang ang kamalayan, at walang aksyong ginagawa sa mga health hazards ng kanilang trabaho. Ayon sa Rerum Novarum, napakahalaga ng trabaho dahil ito ay isa mga nagtutulak ng ekonomiya ng mga bansa, kaya naman “Justice demands that the interest of the workers should be carefully watched over  by the administration.” Kapanalig, huwag lamang tayo tumutok sa income o profits ng ating trabaho. Tingnan din natin kung sa trabaho natin ay napapangalagaan din natin ang ating kalusugan at tinutulungan tayo magkaroon ng healthy lifestyle. Tandaan, health is wealth, kapanalig.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,005 total reads

 45,005 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,913 total reads

 94,913 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,784 total reads

 142,784 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,733 total reads

 246,733 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,553 total reads

 330,553 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,006 total reads

 45,006 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,914 total reads

 94,914 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,785 total reads

 142,785 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top