Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpatay sa mga OFW, ikinaalarma ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 422 total views

Ikinalungkot ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pagpatay sa Overseas Filipino Worker na si Amy Santiago ng kanyang amo sa mismong araw rin ng pagbitay kay Jakatia Pawa sa Kuwait.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon, nakababahala na ang ganitong karahasan na nararanasan ng ating mga kababayan sa ibayong dagat.

Nanawagan si Bishop Santos na makamit ni Santiago ang katarungan at managot ang amo nito na pumaslang sa kanya.

Hiniling rin ni Bishop Santos na saklolohan rin ang mga naiwang kaanak ni Santiago.

“It is very alarming another life has been lost, just because of senseless and cruel physical violence. Justice must be served. Guilty must be punished. Those left behind must be assisted and helped.” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Panahon para kay Bishop Santos na suriin at higpitan ng gobyerno ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait at siguruhin ang kanilang kaligtasan at karapatan.

“It is high time that our government review our OFW deployment in Kuwait, take necessary steps to protect them and promote their rights.” giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Pinaalalahanan rin ni Bishop Santos ang mga paring misyonero sa Middle East na paigtingin ang paggabay sa buhay espirituwal ng mga Pilipinong migrante roon.

“We are also and reminding our priests in Kuwait to provide what our OFW needs especially spiritually, to be more present to them. We here, together with them, are also praying for the welfare of our OFW.” paliwanag pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Si Santiago ay nagtungo sa Kuwait bilang household service worker noong Agosto 2015.

Pansamantala na ring sinuspinde ang pagpapadala ng mga domestic helpers sa Kuwait kung saan base sa ulat ng embahada ng Pilipinas ay nasa mahigit 200 libo na ang mga Pilipinong nagta – trabaho roon at tumataas pa ang bilang ng mga ito ng hanggang 15 libo kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 35,813 total views

 35,813 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 56,878 total views

 56,878 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 79,900 total views

 79,900 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 118,561 total views

 118,561 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 109,025 total views

 109,025 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 287,548 total views

 287,548 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top