Ebidensiya ng Amnesty International sa EJK, mismong mga pulis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Napapanahon ang imbestigasyon ng Amnesty International kaugnay sa lumalaking bilang ng extrajudicial killings na may kinalaman sa operasyon ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Rose Trajano, secretary general ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates, totoong nagaganap ang pagbabayad sa mga nakakapatay ng mga sinasabing kriminal dahil mismong ang mga alkalde pa noon ang nagsasabi na nagbibigay sila ng pabuya.

Sinabi pa ni Trajano, sa unang buwan pa lamang ng administrasyong Duterte, nagsimula na ang mga patayang ito na may mga quota pa ang ilang presinto kung ilan ang kanilang nahuhuli at napapatay na mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

“Bago pa lumabas ang isyu na yan, first month pa lang ng presidency ni Duterte alam naman natin na nagaganap na yan sa Cebu sa ibang area sa bansa, mga mayor ang nagsasabi na nagbibigay sila ng pabuya P50,000 pa nga. Ako po ay naniniwala na nangyayari ngayon yan, narinig din natin ang quota system na bawat presinto may quota kung ilan ang napapatay, nahuhuli o napapasuko. Naniniwala kami na may incentive at yan ang isang dahilan kung bakit mabilis ang dami ng pagpatay, napakaraming intelligence fund, magaling ang gobyerno natin sa pagtatago kung saan nila ginagastos ang pera.” pahayag ni Trajano sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng PAHRA, matibay ang mga source ng Amnesty International na may EJK sa bansa dahil mismong ang mga pulis na gumagawa nito ang ilan sa kanilang naging respondents.

“ I’m sure yung mga pulis na nakausap ng Amnesty International nagsalita yan in confidence, kahit na ang AI hindi natin mapapaamin kung sino ang source nila siyempre poprotektahan natin ang ating source.” ayon pa kay Trajano.

Sa huling ulat, umabot na sa mahigit 7,000 ang napapatay sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika ang mga pagpatay sa mga hinihinalang drug personalities dahil pinagkaitan sila ng gobyerno na pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at makapagbagong buhay lalo na at karamihan sa kanila biktima lamang ng kahirapan at ng pagkakataon habang ang ilan ay napagkakamalan o nadadamay lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,509 total reads

 18,509 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,898 total reads

 52,898 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,380 total reads

 89,380 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,592 total reads

 107,592 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,960 total reads

 190,960 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,537 total reads

 216,537 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,775 total reads

 355,775 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top