Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,000 total reads

Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit ang isang life detection device, natuklasan nilang may mga heartbeat sa ilalim ng compound. 

Sa mga hindi nakakaalala kung bakit ito nangyayari, si Quiboloy ay wanted sa Estados Unidos at Pilipinas dahil sa mga kasong child abuse, sexual abuse, at human trafficking.

Sa kabila nito, patuloy ang pagsuporta at pagprotekta kay Quiboloy ng mga tagasunod niya. Nag-rally sila sa highway papunta sa compound upang pigilan ang mga pulis. Inakusahan ng ilan sa kanila ang mga pulis na nananakit. Agad itong pinabulaanan ng PNP at sinabing may video na nagpapakitang ang mga miyembro ng KOJC ang nagsasakitan at isinisisi lamang nila ito sa mga pulis. May mga nagsilbing human barricade at nagbantay sa paligid ng compound. Umabot sa puntong may nasawing miyembro ng KOJC, pero hindi dahil sa karahasan kundi dahil ilang araw na siyang pagod at puyat kakabantay.

Bilang lider, tungkulin ni Quiboloy na paglingkuran ang kanyang mga tagasunod. Kagaya ito ng sinabi sa Marcos 10:43-44, “ang sinuman… na nais maging dakila ay dapat maging lingkod… at ang sinumang nais maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.” Paano niya ito naisasabuhay bilang pinuno ng KOJC?

Maraming obserbasyong nagsasabi na napaniwala raw ni Quiboloy ang kanyang mga tagasunod na ang mga sexual acts na ginagawa ng kanilang mga lider, pagtatrabaho nang walang kaukulang sahod, at pagsisinungaling upang makapanlimos ng perang ibibigay sa kanilang simbahan ay mga paraan ng pagpupuri sa Diyos. May mga nagsasabi ring na-brainwash ang kanyang mga tagasunod na umabot na sa puntong parang wala na silang pakialam sa kanilang dignidad. Ebidensya nito ang patuloy na pagprotekta nila kay Quiboloy sa halip na sa mga inabuso, at ang hindi pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga nagsisilbing human shield.

Hindi lamang nangyayari sa mga grupong panrelihiyon ang ganitong bagay. Malawakan din nating makikita sa pulitika ang mga tinatawag na blind followers o ‘yong mga tagasunod na pinaniniwalaan at ginagawa ang lahat ng sabihin ng kanilang lider nang walang pagkuwestyon. Wala silang nakikitang mali sa mga sinasabi at ginagawa ng kinikilala nilang lider. Sinasamantala naman ito ng mga lider na sakim sa kapangyarihan at inuuna ang personal na interes, imbis na interes ng kanilang mga dapat paglingkuran. Hamon din po ito sa ating Simbahang Katolika.

Mga Kapanalig, gaya ng sabi ni Pope Francis sa isang mensahe noong 2014, ang tunay na lider ay naglilingkod sa iba. Huwad na lider ang mga nagsusulong ng sarili nilang kagustuhan. Maging paalala sana ito sa mga lider sa anumang larangan—sa pulitika, sa relihiyon, sa mga negosyo, at iba pa—maging sa ating komunidad at pamilya. Tayo naman ay dapat maging mapanuri sa mga sinasabi at ipinapagawa sa atin ng mga sinusundan nating lider.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 58,120 total reads

 58,120 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 80,536 total reads

 80,536 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 161,191 total reads

 161,191 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 262,920 total reads

 262,920 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 297,683 total reads

 297,683 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dagat ng basura

 58,121 total reads

 58,121 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 80,537 total reads

 80,537 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 161,192 total reads

 161,192 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 262,921 total reads

 262,921 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »
Scroll to Top