Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,677 total reads

23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B
Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37

Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay Mama Mary sa misang ito na palakasin niya ang ating pagmamahal sa kanyang anak na si Jesus.

Tuwang tuwa ang mga tao na masaksihan nila ang pagpapagaling ni Jesus sa isang bingi at utal na tao. Nanggilalas sila na nagsasabi sa isa’t-isa: “Anong buti ang lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi.” Nangyayari na sa piling nila ang matagal nang sinabi ni propeta Isaias na narinig natin sa ating unang pagbasa. “Babaguhin ng Panginoon ang ating mga kalagayan pagdating niya. Ang bulag ay makakikita, at makaririnig ang mga bingi; katulad ng usa, ang pilay ay lulundag, aawit sa galak ang mga pipi.” Magdadala ng pagbabago ang Panginoon pagdating niya. Dumating nga si Jesus, ang Panginoong inaantaya natin, at maraming kababalaghan ang ginawa niya. Tinupad niya ang mga inaasahan ng mga tao. Nagdala siya ng pagbabago. Marami ang pinagaling niya.

Pero parang kakaiba ang pagpapagaling na ginawa ni Jesus na ating narinig ngayon. Madalas sa pagpapagaling niya, nagsasalita lang siya at nangyayari na, o kaya ipinapatong lang niya ang kanyang kamay sa may sakit at gumagaling na. Pero dito sa taong bingi at utal magsalita, itinabi muna niya ang tao, hinipo ang kanyang tainga at sinabi sa wikang Aramaiko: “Effata” na ang ibig sabihin ay “Mabuksan” at nilagyan ng laway ang dila ng tao at saka siya gumaling. Kadalasan magkaugnay ang pandinig at ang pagsasalita. Ang may depekto sa pandinig ay may depekto din sa pagsasalita. Kaya ang pagsabi ni Jesus na EFFATA ay nagbukas sa tainga ng tao at kumalag na rin sa kanyang dila. Maayos na siyang magsalita kasi maayos na ang pandinig niya. Hinipo ni Jesus ang tainga at ang dila ng tao upang ipakita ang kahalagahan ng kanyang ginagawa. Kailangang buksan ang tainga upang makapagsalita siya ng maayos.

Hanggang ngayon patuloy na kumikilos ang Diyos upang magdala ng pagbabago sa atin. Binubuksan niya ang ating tainga at pinasasalita niya tayo. Kaya madalas nating marinig ang kanyang sinasabi: ang may pandinig ay makinig. Palagi siyang nagtuturo at nagpapaliwanag sa atin. Makinig tayo. Kaya pinapadala niya tayo sa lahat ng lugar na ipahayag ang kanyang mabuting balita. Magsalita tayo.

Madalas ang problema natin ay hindi ang ating tainga kundi ang ating puso kaya hindi tayo nakakarinig. Bingi tayo sa sinasabi ng pangyayari sa ating panahon. Bingi tayo sa mga panawagan ng mga mahihirap, sa mga iyak ng mga inaapi, sa mga pagmamakaawa ng mga kapus sa buhay. Hindi natin naririnig ang mga reklamo ng mga tao tungkol sa kapabayaan ng mga may panunungkulan sa lipunan. Bingi tayo sa daing ng kalikasan at daing ng mahihirap. Manhid ang ating puso. Napipipi din tayong magsalita ng katotohanan at manindigan sa karapatan ng ating kapwa. Hindi tayo nakapagsasalita sa sumisira sa kalikasan. Naduduwag tayong magsalita tungkol sa Diyos pati na sa ating pamilya at katrabaho. Ito iyong ispiritual na pagkapipi at pagkabingi natin na kailangan nating pagsabihan tayo ni Jesus ng EFFATA, mabuksan.

Bakit kaya mayroon tayong ganitong ispiritual na pagkabingi at pagkapipi? Maaari ang isang dahilan ay ang pinapansin lang natin ay ang ating sarili. We are self-centered. Wala tayong pakialam sa iba. Kaya hindi natin sila napapansin. Kailangan buksan natin ang ating sarili sa kalagayan ng iba. Kitang kita ito sa daan at sa sasakyan. Ang bawat isa ay may earphone o nakatoon sa kanyang cellphone. Walang pakialam sa katabi. Nakukulong ang bawat isa sa kanyang sariling mundo. At nangyayari din ito sa ating mga bahay. Ang bawat isa ay nakikinig o nanonood sa sariling cellphone. Hindi na naririnig ang tawag at pakiusap ni nanay o ng kapatid.

Maaaring ang isang dahilan din ay ayaw nating makialam. Alam naman natin ang pangangailangan pero ayaw lang makialam. Ayaw o natatakot na masangkot. Alam naman kung ano ang totoo, pero ayaw lang magsalita. It is none of my business. Kilala naman natin ang nag-iilegal na magputol ng puno o ang nangingisdang ilegal, o ang corruption sa ating opisina pero wala tayong sinasabi. Napipi na. Kaya pinababayaan na lang.

Pero may iba rin na sila ay nabibingi o napipipi dahil sa kanilang bias o prejudice. Mapangmata sila sa iba dahil sa mababa ang tingin nila sa iba, lalong lalo na sa mahihirap. Iyan iyong ikinagagalit ni Santiago na ating narinig sa ating ikalawang pagbasa. May favoritism tayo at mas pinapansin ang mayayaman, ang mga edukado, ang mga may pangalan. Iyong madumi at butas butas ang damit ay pinapabayaan na lang natin tumayo sa ating pagpupulong, pero iyong magara ang damit at mabango ay ating binibigyan ng upuan. Pinapakinggan natin ang nag-iiinglis inglis pero ang mahina at kinakabahan magsalita ay hindi pinapansin.

Ngayon po sa simbahan binibigyan natin ng diin ang synodality, na ang ibig sabihin ay sama-samang paglalakbay. Magsasama-sama tayo kung isinasaalang-alang natin ang lahat, kung pinakikinggan natin ang lahat, hindi lang iyong mga kakampi natin o iyong may kaparehong pananaw sa atin. Pakinggan din natin ang may ibang sinasabi. Iyong hindi natin kapartido sa politika. Maaari ring ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan nila. Huwag lang pakinggan ang sumasang-ayon at pumupuri sa atin. Makinig din sa mga tumutuligsa sa atin. Siguro may punto din sila.

Ang sinabi ni Jesus sa bingi at sa pipi ay sinasabi din ni Jesus sa atin: EFFATA, mabuksan. Alisin na natin ang pagkamakasarili, makialam tayo sa mga nangyayari sa paligid natin, at tanggalin na ang ating pagtatangi sa mga tao. Maging bukas tayo sa lahat at mangyayari ang kaligtasan na dinadala ng Diyos para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 59,904 total reads

 59,904 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 82,252 total reads

 82,252 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 162,907 total reads

 162,907 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 264,636 total reads

 264,636 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 299,308 total reads

 299,308 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 16, 2026

 7,088 total reads

 7,088 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 15,425 total reads

 15,425 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 23,063 total reads

 23,063 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 24,777 total reads

 24,777 total reads 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »
Scroll to Top