Magnanakaw ng dignidad ang traffic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 139,467 total reads

Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na.

Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan, lalo na sa Metro Manila, sa laki ng pagkalugi dahil sa araw-araw na pagsikip sa ating mga lansangan, bakit walang agaran at kongkretong tugon ang pamahalaan ukol dito?

May pag-aaral nga na nagpapakita na sa buong mundo, pinakamabagal ang Metro Manila pagdating sa traffic. Ayon sa TomTom Traffic Index, ang Metro Manila ang may slowest travel time sa 387 cities ng 55 na bansa. Ang masaklap dito, pang regular na araw laman iyan. Kapag mga holidays gaya ng Christmas, mas traffic pa. Kapag umulan pa, malabo ka na makauwi ng maaga. Umaga na ng susunod na araw.

Kapanalig, hindi lamang simpleng isyu ang traffic sa Metro Manila. Hindi lamang ito usapin ukol sa gaano katagal ang oras na binababad natin sa lansangan. Ang traffic, kapanalig, ay magnanakaw.

Ninanakaw nito ang oras natin para sa ating mga pamilya. Kapanalig, mahigit pa sa walong oras kada araw kadalasan ang ginugugol natin sa ating trabaho. Mahabang oras na ito. Idagdag pa natin ang commuting time, na umaabot na sa apat na oras kada araw para sa maraming Pilipino sa syudad.

Ninanakaw din ng traffic ang mga oportunidad na makakatulong sana sa atin  na makatakas sa kahirapan. Parang preso ang traffic at commuting, kapanalig. Nakakulong tayo sa hirap ng pagbiyahe sa syudad, kaya’t pag nakasakay na tayo, kahit di maka-upo, grabe na ang pasasalamat natin. At sa haba ng ating travel time, wala na tayong oras para sa upskilling, para mag-aral pa, para makahanap pa ng mas magandang trabaho.

Kapanalig, hindi lamang pera ang nawawala sa tao dahil sa traffic at hirap sa pagko-commute sa ating mga syudad. Buhay na natin ang nawawala. Ang nakakalungkot, ang lakas na ng hinagpis ng mga tao, pero tila walang nakakarinig. Sabi sa Evangelium Vitae, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, our life belongs to God. Hindi na natin nakikita ito dahil sa traffic sa ating syudad. Parang araw araw na parusa na, hindi biyaya.

Kaya’t ginigiit pa ng Evangelium Vitae ang respeto sa buhay. Sana’y dinggin natin ang pag-gabay nito:  A society lacks solid foundations when, on the one hand, it asserts values such as the dignity of the person, justice and peace, but then, on the other hand, radically acts to the contrary by allowing or tolerating a variety of ways in which human life is devalued and violated, especially where it is weak or marginalized. Ang traffic sa ating mga syudad kapanalig ay sumisira sa dignidad ng tao. Huwag nating hayaang mas lumala pa ang sitwasyon na ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 37,410 total reads

 37,410 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 30,359 total reads

 30,359 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 65,701 total reads

 65,701 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 167,524 total reads

 167,524 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,083 total reads

 208,083 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 227,414 total reads

 227,414 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 30,360 total reads

 30,360 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 65,702 total reads

 65,702 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 167,525 total reads

 167,525 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,084 total reads

 208,084 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top