Hazing at corruption, dapat tugunan sa panunumbalik ng ROTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total views

Inirekomenda nG Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na ikunsidera rin ang ilang masamang naidudulot ng pagpapanumbalik ng ROTC o Reserved Officers Training Course.

Ayon kay CBCP executive secretary Rev. Fr. Jerome Secillano, bagaman pinaiiral ang disiplina at pagmamahal sa bayan ng ROTC ay nagdudulot rin ito ng maraming anomalya lalo na ng fraternity, hazing at corruption sa loob ng mga private at public schools.

“Sana kung makokontrol halimbawa yung mga tinatawag nila dito na fraternity, hazing sa loob mismo yun lumabas sa mga balita na dahil diyan andaming namamatay, madami ding mga anomalya. Itong mga bagay na ito ikunsidera din sana lalong – lalo na sa pagpapatupad ng programang ito”.pahayag ni Father Secillano sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinaalalahanan rin ni Father Secillano ang mga paaralan na ipakita ang kahandaan upang mamatyagan ang mga estudyante sa mga aktibidad na may kinalaman sa ROTC at maiwasan ang anumang uri ng anomalya na naidulot na nito sa nakaraan.

“Depende na iyon sa mga magpapatupad nito sa mga paaralan na sana i – insulate nga ito katulad ng hazing. Katulad ng corruption rin dapat ipakita nila ang kanilang kahandaan sa pagma – manage din ng resources nito,” giit pa ni Father Secillano sa Veritas Patrol.

Naitala taong 1995 ang ilan sa mga pinaka – delikadong fraternity sa bansa na nakapatay ng hindi bababa sa walo pababa kada taon dahil sa kaso ng “hazing.”

Ilan sa mga ito ay ang Tau Gamma Phi, Alpha Phi Omega, Scout Royal Brotherhood at PMA.

Samantala, sa katesismo ng Simbahang Katolika ang fraternity at sorority ay nagpapahayag ng malalim na pakikipagkapwa – tao at pagmamalasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 7,698 total views

 7,698 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 29,703 total views

 29,703 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 54,045 total views

 54,044 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 78,177 total views

 78,176 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 113,478 total views

 113,477 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 17,531 total views

 17,531 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 234,771 total views

 234,771 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top