Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 75,049 total reads

Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024.

Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the Divine Word (SVD).

Taong 1997 ng itinalaga ni dating Pope St. John Paul II si Bishop Bastes bilang ikatlong Obispo ng Diyosesis ng Romblon na nagsilbing punong pastol ng diyosesis sa loob ng 5-taon bago itinalaga bilang Coadjutor Bishop ng Diyosesis ng Sorsogon noong July 25, 2002.

Makalipas ang isang taon ay tuluyang itinalaga si Bishop Bastes bilang Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon noong April 16, 2003 at nanungkulan sa diyosesis sa loob ng 16 na taon bago nagretiro bilang punong pastol ng diyosesis noong October 15, 2019.

Si Bishop Bastes ay nagsilbi rin bilang dating chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission na nangangasiwa sa pagtiyak ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagigig misyonero ng ebanghelyo lalo’t higit sa malalayo at liblib na mga lugar.

Inialay ni Bishop Bastes ang kanyang buhay sa paglilingkod Panginoon, kung saan itinuon ng Obispo ang kanyang religious life sa pagiging isang formator, at minister na nagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon lalo na sa mga kabataang nagnanais na maglingkod rin sa Simbahan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 13,256 total reads

 13,256 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 28,265 total reads

 28,265 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 57,132 total reads

 57,132 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 105,397 total reads

 105,397 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 127,486 total reads

 127,486 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 225,798 total reads

 225,798 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 13,258 total reads

 13,258 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 21,919 total reads

 21,919 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top