Mga bunga ng ating paglimot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 75,472 total reads

Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga kasabwat matapos ilagak sa mga pekeng NGO ang kanyang pork barrel. Napawalang-sala rin ang kanyang dating chief of staff na si Gigi Reyes at ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles. Si Napoles ang itinuturing na mastermind ng scam kung saan sampung bilyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (o PDAF) ng mga senador at kongresista ang nawala at nanakaw. 

Habang nakatuon ang ating atensyon sa mga balita tungkol sa POGO, sa batuhan ng putik ng mga pulitikong tatakbo sa darating na eleksyon, at sa laglagan ng mga dating magkakasama sa pagpapatupad ng madugong war on drugs, nalusutan ang taumbayan ng balitang mukhang wala nang mapananagot sa PDAF scam. 

Ayon sa Sandiganbayan, bigo ang prosekusyong patunayang “beyond reasonable doubt” ang pagiging guilty nina dating Senador Enrile at kanyang mga kasabwat. Resulta din ito ng pagtanggap ng korte sa tinatawag na demurrer na inihain ng kampo ng dating senador. Naninindigan kasi siya at ang kanyang mga abogado na mahina ang mga ebidensya laban sa kanila. Sa desisyon ng korte, wala raw patunay na iniabot o inilipat kay Senador Enrile ang napakalalaking halaga ng kickback mula sa mga proyekto ng mga pekeng NGO ni Napoles. 

Hindi lamang ito ang magandang balita para sa mga nasa likod o nakinabang sa pagsasailalim sa Pilipinas sa batas militar noong diktaduryang Marcos. 

Dismissed din ng Sandiganbayan ang ill-gotten wealth case laban sa mga magulang ni Pangulong BBM. Ang nakaw na yamang ito ay nagkakahalaga ng 276 milyong piso. Binubuo ito ng iba’t ibang ari-arian gaya ng mga lote, gusali, at condominium units sa loob at labas ng bansa. Ang mga ari-arian daw na ito ay binili ng kanilang tauhang si Roman Cruz para sa kanila. Ayon sa mga Marcos, dahil daw sa “inordinate delay” (o napakahabang panahong itinagal ng kaso) at paglabag sa due process—bagay na hindi tinutulan ng mga state prosecutors o abogado ng gobyerno—dapat na raw tapusin ang usaping ito. Paliwanag pa ng Sandiganbayan, hindi na raw mabibigyan ng patas na pagdinig ang mga Marcos para sa isang kasong isinampa tatlong dekada na nakalilipas. Baka patay na raw ang mga testigo at mahirap nang makalap ang mga dokumento at ebidensya. Matanda na rin daw si dating First Lady Imelda Marcos.

Gaya ni dating Senador Enrile, may iba pang kasong nakasampa laban sa pamilya ng ating presidente—mga kasong may kinalaman sa mga yamang ninakaw gamit ang kapangyarihan at impluwensya. Pero sa mga paborableng desisyon ng korte sa mga kaso laban sa dating senador at sa pamilyang pinagsilbihan niya noon, hindi na tayo magtataka kung pati sa nakabinbin pang mga kaso nila ay mapawawalang-sala sila. 

Nakatutulong din ang pagiging makalilimutin nating mga Pilipino. Bilang isang bayan, mabilis nating limutin ang kasalanan ng mga taong lantarang umabuso sa kanilang kapangyarihan para sa kanilang interes. Hinahayaan natin silang baluktutin ang batas at gamitin ang kanilang impluwensya at kayamanan para matakasan ang kanilang mga sala sa bayan. Ang pagkabigo nating panagutin ang mga maysala sa bayan ay salungat sa pagiging responsableng mamamayan, bagay na itinuturo sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 10:7, “Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman, ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.” Nakalulungkot na kabaligtaran ang nangyayari sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 13,241 total reads

 13,241 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 28,247 total reads

 28,247 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 57,114 total reads

 57,114 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 105,379 total reads

 105,379 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 127,468 total reads

 127,468 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 225,783 total reads

 225,783 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nalulugi ang transportasyon

 28,248 total reads

 28,248 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 57,115 total reads

 57,115 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 127,469 total reads

 127,469 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »
Scroll to Top