Pakikiisa sa mga mangingisda, panawagan ni Bishop Presto sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,456 total views

Hinimok ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang mga Pilipino na magkaisa para sa ikakabuti ng kalagayan at kapakanan ng mga mangingisda sa Pilipinas.

Ito ang paanyaya at mensahe ng Obispo bilang paggunita ngayong November 21 ng National Fisheries Day na ipinagdiriwang sa buong mundo sa temang “Sustaining Fisheries, Sustaining Lives.”

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga mangingisda ay higit na mapapalakas ang boses ng sektor upang maipanawagan sa pamahalaan at lipunan ang ikabubuti ng fishing sector.

“Atin pong samahan ang ating mga mangingisda sa pagdiriwang ng World Fisheries Day, ipagdasal natin na ang mangingisda, lalong lalo na ang mga small-scale fisherfolks na nawa ay mapaganda o maiangat ang kanilang working conditions,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Menssahe ng Obispo sa pamahalaan ang pakikinig sa mga mangingisda ng Pilipinas upang mapangunahan ang pagsasaayos ng kanilang kalagayan.

Habang ipinaparating din Bishop Presto sa mga Mangingisdang Pilipino na sa kabila ng mga suliranin ay huwag mawawalan ng pagasa dahil kasama nila ang simbahan at sambayanan.

“At gayun din na sana ang mga concerned government agencies ay sama samang kumilos upang mabawasan o tuluyan nang mawakasan ang ilang illegal at unregulated fishing practices, Para sa mga kapatid nating mangingisda ay patuloy pa rin ang inyong pagbubuklod at sama-samang maiparating ang inyong mga karaingan sa ating pamahalaan lalo’t higit sa mga usaping nagiging hadlang uoang lumago ang inyong kabuhayan,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Ayon sa mga datos ng Philippine Statistics Authority, ang mga magsasaka at mangingisda ang isa sa mga pinakamahihirap na sektor ng manggagawa sa Pilipinas.

Kinakaharap din ng mga Mangingisdang Pilipino ang mga suliranin na katulad ng overfishing, illegal fishing at hindi maayos na mga polisiya sa pangingisda kung kaya’t naantala ang dapat sana’y maayos at malaya nilang pangingisda sa mga karagatan at iba pang anyong-tubig ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,894 total views

 49,894 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,763 total views

 45,763 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,965 total views

 81,965 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,603 total views

 90,603 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,710 total views

 115,710 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top