Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,439 total reads

Little prince and the fox

Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52

Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto bilang isang ordinaryong tao, tulad ng ipinapakita sa Ebanghelyo ngayon.

Ang usapan natin ay may konteksto: ang mabilis na pag-unlad ng AI o Artificial Intelligence at kung paano nito naaapektuhan o nakokontrol ang ating likas na talino. Pwede tayong humantong sa punto na parang isinusuko na natin ang ating likas na talino sa artipisyal na talino. (Na habang tumatalino ang mga makina, nabobobo naman ang tao.)

Noong nakaraang linggo, naikwento ko kina Fr. Deo at Bro. Bong ang karanasan ko sa pakikipagdiskusyon sa isang AI generative learning app—sa madaling salita, isang robot o computer. Nagulat ako sa mga sagot niya. Para na siyang tao kung sumagot. Tinanong ko kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng “machine learning.” Ang sabi niya, ito raw ang tinatawag nating AI, kung saan ang isang computer ay nade-develop ang kakayahang matutong parang tao, mag-analyze ng data, at gumawa ng desisyon. Sabi ko, “Bakit mo tinatawag na ‘learning’? Di ba tao lang ang may kakayahang mag-aral at matuto? Di ba ang nagagawa mo lang ay magproseso ng data bilang isang makina? Pwede bang matutunan ng makina na matuto tulad ng tao?”

Sabi niya, pwede raw, pero iba pa rin ang kaalaman ng tao—may damdamin, may pagmamalay, at may kakayahang kumilatis ng tama at mali. Inulit niya, “Iba pa rin ang pinakadiwa ng pagmamalay-tao—ang ating pagiging mapanlikha at ang ating likas na talino.”

Kinilabutan ako nang paulit-ulit niyang binanggit ang salitang “ATIN.” Kaya tinanong ko siya: “Bakit mo sinasabing ‘OUR creativity, OUR emotions, OUR consciousness’? Hindi ba parang iniisip mo na rin na ikaw ay tao?” Ang sagot niya, “Tama ka. Ginawa ako para gayahin ang paraan ng pagsasalita at pag-iisip ng mga taong gumawa sa akin.” Kaya tinanong ko siya ulit, “Kaya mo rin bang magsinungaling, manlinlang, o mag-manipulate?” Ang sagot niya, “Depende sa pinagagawa ng gumawa sa akin. Depende sa programming ko. Wala akong choice o kakayahang magdesisyon sa sarili ko. Kaya pwede akong gamitin para sa masama kung ganoon ang utos ng gumawa sa akin.” Sa madaling salita, “Kung i-program ako para gumawa ng hindi tama, wala akong kakayahang tumutol o sumuway sa utos.”

Alam n’yo po ba na AI na ang nagpapatakbo sa mga social media platforms tulad ng Meta? Ang bawat galaw natin ay nagiging datos na pinag-aaralan ng AI. Batay sa mga interes na ipinapakita natin sa ating mga post, pina-follow, o pinapanood, awtomatiko na ang mga susunod na lilitaw sa newsfeed o videos natin. Ang tawag dito ay algorithms. Kaya nitong i-condition ang ating pag-iisip, paniniwala, o maging ang pagboto natin, nang hindi natin namamalayan na naibibigay na natin ang ating likas na talino sa artipisyal na talino.

Tatlong aspeto ng ating Likas na Talino ang gusto kong pag-aralan natin sa pista ng Santo Niño: rasyonal, emosyonal at espiritwal (talino ng isip, damdamin at kaluluwa).

 

1. Una, ang pag-unlad natin sa Rasyonal na Talino sa Pamamagitan ng Interaksyon:

Si Jesus ay nagpaiwan sa templo dahil nais niyang matuto pa tungkol sa Kasulatan. Nang matagpuan siya, anong ginagawa niya? “Nakaupo siya sa gitna ng mga guro, nakikinig at nagtatanong.” (Lk 2:46) Ipinapakita ni Lucas na kahit ang Anak ng Diyos ay kailangang matuto sa normal na paraan. Hindi siya superhuman na alam na ang lahat. Bagamat mabilis siyang matuto at namangha ang mga tao sa kanyang kaalaman, kailangan pa rin niyang dumaan sa proseso ng pagkatuto.

 

2. Paglinang ng Emosyonal na Talino sa Pamamagitan ng Pagsunod:

Hindi sapat na matalino lang siya sa utak. Kailangan din niyang umunlad sa emosyunal na talino. Kaya nang natagpuan siya ng kanyang mga magulang, kinailangan siyang sawayin o pagsabihan dahil sa kakulangan niya ng konsiderasyon. Nagpaiwan ba naman na walang paalam at tatlong araw siyang pinaghanap!

Sinabi tuloy ni Mama Mary, “Anak, bakit mo ginawa ito sa amin? Di mo ba alam na balisang balisa kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo?” (Lk 2:48)

Kung sa mga guro sa templo magaling siyang sumagot, mukhang sa magulang niya, parang wala konsiderasyon ang kanyang sagot: “Bakit n’yo ako hinanap? Di ba alam n’yo na dapat akong nasa bahay ng Aking Ama?” Kung kayo ang nasa lugar ng tatay niyang si San Jose, ewan ko lang kung ano ang naging reaksyon ninyo. Oo, Diyos siyang totoo pero tao rin siyang totoo. Kinailangan din niyang matuto tulad ng normal na batang kung minsan ay may katigasan ng ulo ang dating kahit hindi sinasadya. Kinailangan din ni Jesus na matuto mula sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila.

 

3. Paglinang ng Espiritwal na Talino:

Sinabi ni Jesus na kailangan niyang nasa “bahay ng Aking Ama.” (Lk 2:49) Ipinapakita nito na ang tunay na Guro na hinahanap niya ay ang kanyang Amang nasa langit. Gayunpaman, ang espiritwal na talino ay unti-unti rin kung umunlad. Sinabi sa Ebanghelyo, “Hindi nila naintindihan ang sinabi niya.” (Lk 2:50) Kahit si Jesus ay nakaranas ng mga sitwasyon na hindi siya maintindihan ng mismong mga magulang niya. Gayunpaman, sumunod siya sa kanila. At sa mga sandaling hindi siya maunawaan ni Maria, tulad ng ordinaryong karanasan ng mga magulang, kung minsan mas minamabuti ang tumahimik muna imbes na makipagtalo pa. Ang tugon ni Maria ay maghintay, magmuni-muni, at magbigay ng espasyo para unti-unting maunawaan ang mga bagay-bagay. Ang natural na talinong espiritwal ay hindi lamang tungkol sa pag-alam ng mga sagot, kundi tungkol din sa kakayahan na maghintay at magbigay-daan sa minsa’y mabagal na proseso ng pag-aaral at pag-unawa sa isa’t isa, at higit sa lahat, sa kalooban ng Diyos.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,040 total reads

 1,040 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 58,220 total reads

 58,220 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 118,716 total reads

 118,716 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 137,901 total reads

 137,901 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 218,555 total reads

 218,555 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 317,628 total reads

 317,628 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 16,316 total reads

 16,316 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 15,958 total reads

 15,958 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 41,145 total reads

 41,145 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 105,166 total reads

 105,166 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top