Pananagutan para sa katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,088 total views

Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan. 

Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin ng pananagutang ito ay ang pag-iral ng ating mga batas na nagtatanggol sa ating mga karapatan at naggagawad ng katarungan sa mga pinagkakaitan nito.

Maraming karapatan ang inabuso dahil sa madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon sa Human Rights Watch, noong drug war, humigit-kumulang 12,000 ang naitalang extra-judicial killings (o EJK) o mga pagpatay nang walang napananagot sa batas. Nitong mga nakaraang buwan, kaliwa’t kanan ang mga quad-committee hearings na nag-imbestiga rin sa mga karumal-dumal na ginawa sa pagpapatupad ng drug war.

Isa sa mga nababanggit na paraan upang mapanagot ang dating administrasyon sa mga EJK ay ang paghahain ng pormal na kaso sa International Criminal Court (o ICC). Ang ICC ay ang pandaigdigang organisasyong nagpapanagot at humahatol sa mga indibidwal na nagsagawa ng malawakang krimen, kabilang na ang crimes against humanity. Isinasangkot ang dating pangulo sa mga krimeng ito pero inalis niya ang Pilipinas sa ICC noong 2019.

Kamakailan, nagpahayag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bukás at handa nang makipagtulungan ang ahensya sa pag-iimbestiga ng ICC. Ayon sa kalihim, ang hiwalay na imbestigasyon ng ICC at ng Pilipinas ukol sa drug war at EJK ay magtutulungan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima. Ikinatuwa ng mga kritiko ng war on drugs at mga nagsusulong ng karapatang pantao ang sinabing ito ng DOJ. Makatutulong daw ito sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima. 

Sa kabila nito, mailap pa rin ang Palasyo sa posisyon nito ukol sa isyu. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Pangulong BBM na hindi makikipagtulungan ang kanyang administrasyon sa ICC. Ngunit nilinaw niyang tutugon ang Pilipinas sa ICC kung sakaling pagagalawin ng ICC ang International Police (o Interpol) upang isilbi ang hatol. Pagsasaalang-alang ito sa mga pakinabang ng ating bansa sa Interpol.

Bagamat may katanggap-tanggap nang pag-usad sa pagpapanagot sa nakaraang administrasyon dahil sa mga pagpatay sa mga hinihilang drug users at pushers, nakalulungkot ang kawalan ng matapang at buong pagtindig ng pamahalaan sa isyung ito. Ang pamahalaan ay tila ba namamangka sa dalawang ilog, hindi alam ng isang kamay ang ginagawa ng kabila. Iba ang sinasabi ng pangulo at iba rin ang sinasabi ng DOJ secretary.

Ang ganitong pagtindig ay tila pagbabalewala sa mga biktima at sa halaga ng katarungan. Maraming pamilya ang nawalan ng kapamilya, ngunit ganito lang ba ang itutugon ng ating pamahalaan? Maaaring kumikilos ang ating mga pinuno batay sa pamumulitika pero hindi ito ang panahon para mag-atubiling manindigan para sa katarungan, karapatang pantao, at dignidad ng tao.

Matagal na panahon nang walang pananagutan ang mga dating opisyal ng ating bayan sa mga naganap at ibinunga ng drug war. Mailap ang katarungang dapat iginagawad ng ating mga batas. Nakalulungkot na binabaluktot ang mga batas na ito at ginagamit sa pamumulitika o para sa sariling interes.

Mga Kapanalig, inaanyayahan tayo ni Saint Pope John XXIII na makiisa sa pagbuo ng isang lipunang ginagabayan ng katarungan kung saan iginagalang ang karapatan ng bawat tao, at ang bawat tao naman ay ginagawa ang kanya-kanyang tungkulin. Tungkulin nating maging mapagmasid at panagutin ang mga nang-aabuso sa ating mga karapatan at sa ating kapwa. Hinihintay na ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK at mga naulila nila ang katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 55,774 total views

 55,774 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 180,185 total views

 180,185 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 222,255 total views

 222,255 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 299,567 total views

 299,567 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Lights! Camera! Action?

 55,777 total views

 55,777 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 180,188 total views

 180,188 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 222,258 total views

 222,258 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »
Scroll to Top